Damdam ni Long ang sinseridad ng dalawa kaya walang kaplastikan ang ipinakita rin nito sa dalawa. Kung nasa dressing room sila ay pinupuntahan sila ng dalawa para makakwentuhan at masabayan pa sa pagkain. Napatawa ang komedyante sa tinuran namin na baka sila ang papalit sa dalawa kung tuluyang maalis ang mga ito. Naniniwala siya sa kakayahan ng dalawa sa paghu-host at kailanman ay di nila pinangarap ni Dagul na palitan nila ang mga ito.
Mapagmahal sa mga magulang si Long kaya maganda ang dating sa kanya ng grasya. Dating nagtitinda sa Baclaran ang kanyang mga magulang na sa ngayon ay pinahinto ng komedyante at nasa bahay na lang ang mga ito dahil ayon sa komedyante, tamang-tama ang kinikita nito sa pagtustos ng kanilang pangangailangan sa araw-araw. Alex Datu