Jean, Hiwalay Na Ba Sa Japanese Bf?

Hiwalay na ba si Jean Garcia sa kanyang kasintahang Japanese dahil sa debut ng isang bagets na socialite sa Hotel Intercontinental Manila kamakailan, solo lang na pumasok ng bulwagan si Jean?

Gayunman, itinuwid ng aktres na may problema siya sa kanyang Japanese lover. "May importante lang siyang lakad kaya di ko siya kasama pero we are still together," paglilinaw ni Ms. Garcia.

Hindi lang niya mababale-wala ang imbitasyon ng mga Divinagracia, lalo na si Col. Carly Divinagracia, ang ama ng debutanteng si Maria Isabelle Barbara B. Divinagracia, dahil kaibigan niya ito at ang kanyang pamilya. "At si Barbi, (palayaw ng celebrant), para siyang kapatid kong bunso," pahayag ni Jean.

Tubong-Batangas sina Jean at ang mga Divinagracia kaya naging malapit sila sa isa’t isa.

Bukod sa kinikilalang reyna ng mga kontrabida sa soap opera, nakiisa rin sa pagdiriwang ang Fil-Am singer na si Cody Moreno na natsitsismis ding nanliligaw kay Barbi. Dahil kapamilya rin ng mga Divinagracia, hindi nagdalawang-salita si Senator Loren Legarda sa pakikisaya sa okasyon. Dumalo rin sina Ambassador Antonio Cabangon-Chua at Fortunato Abat at ang maybahay ni Raul Roco na si Sonia Roco.

Ang pamosong fashion designer na si Delby Bargais ang lumikha ng mga kasuotan ni Barbi. Samantalang si Tony Rodriguez ang team manager sa paggawa ng mga kasuotan ng may kaarawan. Si Patrick Malinis naman ang overall coordinator at choreographer ng cotillion at pag-aalay ng mga handog at bulaklak sa debutante.

Si Barbi ay nag-aaral ng Business sa De La Salle University at mahusay siyang swimmer, badminton at tennis player. Nais ding maging business broadcast journalist ng dalaga sa hinaharap.

Show comments