Roderick, naguguluhan kung sa'n pupunta sa Siyete, Dos o Singko

Kung dati ay dalawa ang offers na pinagpipilian ni Roderick Paulate, ang sa GMA 7 at ABS CBN 2 mas lalo siyang naguluhan nang tumatlo ito dahilan sa kasama na sa nag-aalok sa kanya ng isang magandang trabaho ang ABC 5.

Isang role sa isang bagong soap opera ang naghihintay na balikan niya sa Dos samantalang sa kasalukuyan ay sunud-sunod na ang guesting niya sa GMA7. Bukod sa mga existing sitcoms ng Siyete, kasalukuyan siyang guest host ng programang Sis habang nasa bakasyon si Gelli de Belen. Sa programang ito, muling ipinamalas ni Dick ang kanyang expertise sa pagiging host. Maraming viewers ng nasabing programa ang humihiling na isali na siya rito. Samatala,wala pang particular na show si Dick sa Singko pero gusto rin ng network na makuha ang kanyang serbisyo.
* * *
Si Kris Aquino, binabantayan si Joey Marquez? Ito ang naging kongklusyon ng ilang press na napadalaw sa shooting ng Utang ng Ama ng Maverick Films na nagtatampok sa unang pagkakataon kina Tsong Joey Marquez at ang nagbabalik-pelikula na si dating San Juan Mayor Jinggoy Estrada.

Pagdating na pagdating nila sa location ay nakita na nila ang van ng TV host/actress pero, hanggang sa umalis sila ng alas tres ng madaling araw ay di nila nakita si Kris. Nasa itaas daw ito ng building at hindi bumaba para hindi makalikha ng intriga. Ang nakalimutan nito ay iparada ang kanyang sasakyan sa lugar na hindi kita ng press.
* * *
Dahil nag-hit ang kanyang album na "Got To Believe In Magic" na ini-release last year ng Viva Records, may kasunod na uli si Willy Cruz na album na may pamagat na "Through The Rain".

Punung-puno ang album ng love songs, gaya ng "Cry" ni Mandy Moore, "Walang Kapalit" ni Rey Valera, "Pangako" at "Kailangan Kita" ni Ogie Alcasid, "Sorry Seems To Be The Hardest Words" ni Elton John, "You’re Still You" ni Josh Groban, "Can’t Help Falling In Love" ni Elvis Presley at marami pang iba.

Contract artist ng Viva Records si Willy pero ang music catalogue niya ay naka-licensed sa Harmony Music.
* * *
Ang Christian artist na si Don Moen ay magkakaroon ng isang serye ng mga palabas sa Araneta Coliseum sa Hulyo 25 at 26 at Agosto 1. Magtatanghal din siya sa La Salle Gym sa Bacolod City sa Hulyo 27, Cebu Coliseum sa Hulyo 30, Freedom Ring Amphitheater sa Clark Field, Pampanga sa Agosto 2 at Dagupan Astrodome sa Agosto 3.

Hindi ito first time ni Don Moen na makarating ng Pilipinas. Nakalibot na siya ng bansa over the years bringing God’s music.

Pinamagatang God Will Make A Way: Don Moen, ito ang kanyang latest Philippine Tour 2003, hatid ito ng Maxi-Media International at may mga tiket na nagkakahalaga ng P100, P200, P400 at P600. Mabibili ito sa lahat ng SM Ticketnet, sa Manila (9115555), Cebu, Pampanga at Maxi-Media (5518999/5557777).

Show comments