By the way, may bagong album ang grupo ni Chito, "Bigotilyo" kaya kung mapapansin nyo sila, lahat may bigoti ang anim na miyembro ng Parokya ni Edgar.
Bukod sa bigote, explain ni Ms. Bella Tan, ang producer and discoverer ng grupo, grown up na sila. Nag-mature na sila sa album na ito compared sa mga nauna nilang ginawa. Medyo romantic, practically serious and just a bit profound. Meaning hindi na lang basta mga kalokohan ang mga kanta nila sa album na ito.
Sa kanilang carrier single sa "Bigotilyo," ang "Mr. Suave," written by the bands bassist, Buwi Meneses, para itong retro sa simula pero sa bandang huli ay nag-iba ng sound.
Ang "Chikinini," an obscene version ng Yanos "Banal Na Aso, Santong Kabayo" ay sure winner. Binago ni Chito ang lyrics ng kanta na pumatok noon.
Sa mellow side, ginawa nila ang "Iwanan Mo Na Siya."
At any rate, alam nyo bang nang ma-discover sila ni Ms. Bella Tan sa Club Dredd (na closed na ngayon) naka-damit babae sila?
"Marami silang band na nag-perform nang manood kami, pero sila agad yung napansin ko kasi nga mga nakadamit babae sila. Hindi pa nga nila mai-zipper sa likod kasi masikip sa kanila," Ms. Tan recalls. So ang ginawa niya right then and there, tinanong niya ang grupo kung may manager sila. Nang sinabing wala, pinahanap agad nila. Nakakuha naman daw ng isang advertising man at saka niya agad pinapirma ng contract sa Universal Records.
"Inisip kasi namin non na wala kaming pantapat sa Eraserheads, yung band talaga. So talagang naghanap ako."
Hindi nagkamali si Ms. Tan. Hanggang ngayon may Parokya ni Edgar pa rin, samantalang ang gusto nilang talunin noon na Eraserheads, disbanded na ang original group.
Anyway, available na sa market ang latest album ng PnE, "Bigotilyo."
Ito bale ang ika-sixth album ng grupo - "Khankhungherrnitz" (1996), "Buruguduystunstugudnstuy" (1998), "Jingle Balls," "Silent Night," "Holy Cow" (1998), "Gulong Itlog Gulong" (1999), "Edgar Edgar Musikahan" (2002) at ito ngang "Bigotilyo."
Naging kontrobersyal si Jualiana nang mag-issue siya ng public apology to the Movie and Television Review and Classification Board pagkatapos siyang ma-misquote nang tanungin siya tungkol sa naging decision ng MTRCB nang ma-disapprove ang trailer ng movie niya.
Ang WWW.XXX.COM ang opening film sa forthcoming Cinemanila Film Festival on August 7 sa Greenbelt 2, Ayala Center.
After ng Cinemanila, the movie will begin its regular showing sa Metro Manila theaters.
"Im glad that the movie will finally be shown," sabi ni Juliana na nag-celebrate last week ng kanyang ika-19th birthday.
Bukod sa Cinemanila, invited din ang movie for exhibition sa San Sebastian International Film Festival na gaganapin sa September.
Pero this time, mas challenging ang role ni Katya as Keka na isang call center operator na minurder ang boyfriend ng limang miyembro ng rival fraternity.
Craving for revenge, hinanap niya ang killer ng kanyang boyfriend kasama si Bhong Vecina (Vhong Navarro). Pinatay niya ang mga fraternity brod ng kanyang boyfriend pero may itinira siyang isa, si Bobby Domingo na malaking celebrity na.
Ang trail ng bodies na naiwan niya sa kanyang mga ginawa ay nakuha ni Jason Sanchez (Wendell Ramos), isang police detective na hindi pa nakaka-recover matapos iwanan ng girlfriend.
Para makalimutan ang nangyari sa kanya, pinagpatuloy niya ang pagi-imbestiga sa kaso.
Doon sila nagkita ni Keka by accident and he forgets his recent heartbreak. Maging si Keka ay hindi napigilan ang sarili kay Jason.
Grabe ang lovescene nila as in all the way pareho sila.
Anyway, after mag-undergo ng liposuction si Katya, na-maintain na niya ang kanyang katawan. Ito ang first movie ni Katya after ng lipo kaya maraming nai-excite na manood.