Sino ang manunulot kina Dina at LT?

Pinag-uusapan ngayon ay ang sulutan issue nina Dina Bonnevie at Lorna Tolentino. Diumano, ini-offer ni Mother Lily ang role na third wife ni Boyet kay Ms. Bonnevie, who’s so excited to play the part.

Very demanding daw kasi ang role ng third wife, bitchy and all-out "bad girl" ang supposedly ay ikatlong asawa (o kabit) ni Christopher de Leon sa pelikula. This is one chance na kahit sinong mahusay na artista ay hindi palalagpasin.

Lorna T. was also offered a role in this film reportedly to be directed by Erik Matti. LT wanted so much to portray the role of the third wife. We don’t know the real score, kung para kanino talaga ang role na yun, only Mother Lily can shed light to this controversy.

Sa mga unang interviews kay Dina B., confident siyang kanya ang role na yun. Nagpahayag pa nga ang dating maybahay ni Vic Sotto, "Sorry na lang, uso ako ngayon, eh," or something to that effect. Pero nang maglabasan na ang tungkol sa "sulutera" issue, iniiyakan na ni Ms. D. ang intriga, hindi raw siya nanunulot ng role.

Kanino ba talaga dapat mapunta ang role ng third wife para sa pelikulang Mano Po 2? In an interview, nagbitiw ng pahayag ang manager ni LT, "Eh, sino ba ang mas malaking artista sa kanila, di ba si Lorna Tolentino?!" Ben De La Cruz

Show comments