Model ng shampoo ang bagong artista

May bagong myembro na naman ang nadagdag sa cuadra ng kontrobersyal na talent manager at Biliran Provincial Board member na si Jojo Veloso. Siya ay si Carolina Gomez, 20 years old at tubong Davao City, may taas na 5’6" at may sukat na 36-24-36. Siya ay full time commercial at runway model nung madiskubre siya ni Veloso.

Isang pangunahing brand ng shampoo ang ginawa n’ya at yon ang naging daan para lumuwas siya ng Maynila.

Si Carolina ay nakatakdang ipakilala sa pelikulang The Luis Taruc Story na pagbibidahan ni Lito Lapid sa direksyon ni William Mayo.

Sa kapistahan ng Caibiran, Biliran ni Board Member Jojo Veloso unang nagtanghal ng live si Carolina Gomez.

Show comments