Ayon din sa sumulat ng song na si Lito Camo, isa itong awitin ng mga bata, ginagawang isang laro kasama ang mga kaibigan nila. Ito ang nagbigay sa kanya ng inspirasyon na gumawa ng isang kanta.
Nagkamali nga kaya ako at ang maraming bumili ng album? Palagay ko hindi. Di rin naman ako papayag na mabastos.
Sa kabila ng mga kaguluhan, patuloy ang Sex Bomb Girls sa kanilang pamamayagpag. Gold na ang "Spageti Song", pinaka-malaking hit nila ito. Marami pa rin ang kumukuha ng kanilang serbisyo. Sa Hulyo 19, may concert sila sa AFP Theater kasama sina KC Montero at Ruby Rodriguez at sa Sept. 6, nasa OnStage sila kasama si Luke Mejares.
Ang "Viva Hot Babes Videoke Collection" ay isang sing-along, mabibili in four volumes ng OPM, current hits, Pop standard at Rap-Oke. Hindi nga lamang sigurado ang Viva kung makakapag-concentrate sa pagkanta ang mga bibili nito habang gumigiling sa harap nila ang mga Hot Babes.
Ang "Viva Hot Babes Videoke Collection" ay ikatlong sexy videoke album na ginawa ng mga major stars, una ay kay Joyce Jimenez ng BMG Records Pilipinas, ikalawa at ikatlo ay kina Patricia Javier at Viva Hot Babes, parehong mula sa Viva Records.
Samantala, ang album niya sa Viva Records na may pamagat na "Jose" at sinadya niyang talaga dito ay tapos na. Binubuo ito ng ilan sa pinakamagagandang awitin na sinulat ng mga lokal nating kompositor at kinanta niya sa kanyang sariling istilo. Ito ang "Walang Kapalit", "Kailangan Koy Ikaw", "Ngayon", "Paano Kita Mapapasalamatan", "Iisa Pa Lamang, "Habang May Buhay", "Sanay Maghintay Ang Walang Hanggan", "Let The Pain Remain" at marami pang iba.