Hot Babes o Sex Bomb?
July 16, 2003 | 12:00am
Personal akong bumili ng isang CD ng Sex Bomb Girls na nagtataglay ng awiting "Spageti Song". Isa ang aking apo sa napakaraming kabataan na sumasayaw sa awiting ito. Nagtataka nga ako kung bakit kontrobersyal na naman ito? Wala naman akong makitang kalaswaan sa kanta. Double meaning, wala rin, pero, baka naman di ko lang hinanap. Pero, bakit pa? Di naman ito importante sa aking apo at marahil sa lahat ng mga batang nakakarinig nito. Ako ngang matanda, walang nakitang kabastusan dito, sila pa ba kaya ang mag-iisip na bastos ito?
Ayon din sa sumulat ng song na si Lito Camo, isa itong awitin ng mga bata, ginagawang isang laro kasama ang mga kaibigan nila. Ito ang nagbigay sa kanya ng inspirasyon na gumawa ng isang kanta.
Nagkamali nga kaya ako at ang maraming bumili ng album? Palagay ko hindi. Di rin naman ako papayag na mabastos.
Sa kabila ng mga kaguluhan, patuloy ang Sex Bomb Girls sa kanilang pamamayagpag. Gold na ang "Spageti Song", pinaka-malaking hit nila ito. Marami pa rin ang kumukuha ng kanilang serbisyo. Sa Hulyo 19, may concert sila sa AFP Theater kasama sina KC Montero at Ruby Rodriguez at sa Sept. 6, nasa OnStage sila kasama si Luke Mejares.
Ewan ko lamang kung magiging kontrobersyal din ang ilalabas na VCD ng Viva Hot Babes. Tulad nang naunang VCD nila na inilabas na nagtatampok ng maiinit na eksena.
Ang "Viva Hot Babes Videoke Collection" ay isang sing-along, mabibili in four volumes ng OPM, current hits, Pop standard at Rap-Oke. Hindi nga lamang sigurado ang Viva kung makakapag-concentrate sa pagkanta ang mga bibili nito habang gumigiling sa harap nila ang mga Hot Babes.
Ang "Viva Hot Babes Videoke Collection" ay ikatlong sexy videoke album na ginawa ng mga major stars, una ay kay Joyce Jimenez ng BMG Records Pilipinas, ikalawa at ikatlo ay kina Patricia Javier at Viva Hot Babes, parehong mula sa Viva Records.
May album na ang Pinoy na sumisikat ngayon sa US na si Jose Llana lalo na sa Broadway na kung saan ay una siyang nagpakitang gilas bilang Lun Tha sa The King and I at nakapareha ng isa pa ring Pinoy na may malaki na ring pangalan dun, si Lea Salonga sa Flower Drum Song. Babalik din siya agad ng US para sa rehearsal para sa US tour ng Flower Drum Song, again with Lea.
Samantala, ang album niya sa Viva Records na may pamagat na "Jose" at sinadya niyang talaga dito ay tapos na. Binubuo ito ng ilan sa pinakamagagandang awitin na sinulat ng mga lokal nating kompositor at kinanta niya sa kanyang sariling istilo. Ito ang "Walang Kapalit", "Kailangan Koy Ikaw", "Ngayon", "Paano Kita Mapapasalamatan", "Iisa Pa Lamang, "Habang May Buhay", "Sanay Maghintay Ang Walang Hanggan", "Let The Pain Remain" at marami pang iba.
Ayon din sa sumulat ng song na si Lito Camo, isa itong awitin ng mga bata, ginagawang isang laro kasama ang mga kaibigan nila. Ito ang nagbigay sa kanya ng inspirasyon na gumawa ng isang kanta.
Nagkamali nga kaya ako at ang maraming bumili ng album? Palagay ko hindi. Di rin naman ako papayag na mabastos.
Sa kabila ng mga kaguluhan, patuloy ang Sex Bomb Girls sa kanilang pamamayagpag. Gold na ang "Spageti Song", pinaka-malaking hit nila ito. Marami pa rin ang kumukuha ng kanilang serbisyo. Sa Hulyo 19, may concert sila sa AFP Theater kasama sina KC Montero at Ruby Rodriguez at sa Sept. 6, nasa OnStage sila kasama si Luke Mejares.
Ang "Viva Hot Babes Videoke Collection" ay isang sing-along, mabibili in four volumes ng OPM, current hits, Pop standard at Rap-Oke. Hindi nga lamang sigurado ang Viva kung makakapag-concentrate sa pagkanta ang mga bibili nito habang gumigiling sa harap nila ang mga Hot Babes.
Ang "Viva Hot Babes Videoke Collection" ay ikatlong sexy videoke album na ginawa ng mga major stars, una ay kay Joyce Jimenez ng BMG Records Pilipinas, ikalawa at ikatlo ay kina Patricia Javier at Viva Hot Babes, parehong mula sa Viva Records.
Samantala, ang album niya sa Viva Records na may pamagat na "Jose" at sinadya niyang talaga dito ay tapos na. Binubuo ito ng ilan sa pinakamagagandang awitin na sinulat ng mga lokal nating kompositor at kinanta niya sa kanyang sariling istilo. Ito ang "Walang Kapalit", "Kailangan Koy Ikaw", "Ngayon", "Paano Kita Mapapasalamatan", "Iisa Pa Lamang, "Habang May Buhay", "Sanay Maghintay Ang Walang Hanggan", "Let The Pain Remain" at marami pang iba.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am