Since mahusay si Dick hindi lamang sa paghu-host kundi bilang isang komedyante kaya, hindi malabong mabigyan ito ng regular show sa Siyete tulad ni Amy.
Pagkatapos ng SM Megamall premiere night, isa pang premiere showing ang magaganap ngayong gabi (July 14) at 7:30 sa Cinema 5 & 6 ng SM-San Fernando, Pampanga. Ang regular showing ng pelikula ay sa Miyerkules na, July 16.
Ang Masamang Ugat ay siyang kauna-unahang action movie ng Viva Films sa taong ito. Sa kauna-unahang pagkakataon, napagsama-sama sa iisang pelikula ang mga action biggies na sina Eddie Garcia, Ace Vergel at Victor Neri at future congressman ng ika-2nd district ng Pampanga na si Mikey Arroyo. Kung may action, pwede ba naman mawala ang mga sexy scenes nina Maui Taylor at Gwen Garci?
Hindi ikinakaila ni Mikey na talagang ninerbyos siya sa love scenes nila ni Maui kaya na-take 3 ito. Hindi rin nagpatalbog sina Ace Vergel at Gwen Garci. Tulad ni Mikey, nanibago siya sa mga lovescenes nila ni Gwen dahil lumabas na mas aggressive ang dating live-in partner ni Justin Cuyugan.
"Aaminin ko na talagang nailang ako sa mga lovescenes namin ni Gwen. Ako pa nga itong umaalalay sa kanya pero siya naman itong aggressive kaya medyo lumaban na rin ako nang konti," natatawa niyang kwento sa presscon ng pelikula.
Nagulat din si Ace nang gawing lollipop ni Gwen ang kanyang mga daliri.
Si Mikey Arroyo ang nagkwento sa amin na bago magsimula ang kanyang mommy sa kanyang trabaho ay dumadaan umano ito sa kanyang apo. Naglalaan din ito ng oras para maipasyal nila ang baby. At kapag wala sa bansa ang misis ni Mikey na si Angela Montenegro-Arroyo, si Mika ay sa kanyang lolot lola natutulog.
Samantala, aware si Mikey na pansamantala lamang ang kanilang pananatili sa Malacañang.
May balak pa rin kayang tumakbo ang kanyang mommy sa pagka-pangulo sa 2004 elections?
"Honestly, hindi namin napapag-usapan yan dahil nag-deklara na siya na hindi na siya tatakbo. Kung ako ang tatanungin ninyo, gusto kong bumalik na ang mommy sa pribadong buhay para siya makapag-pahinga," ani Mikey.
Kung nag-deklara nang hindi tatakbo si Pangulong Gloria, si Mikey naman ay very vocal sa kanyang planong pagtakbo sa pagka-congressman sa ika-2 distrito ng Pampanga.
Ang anim na mayor ng second district ng Pampanga ang siyang nag-endorse kay Mikey na tumakbo sa pagka-congressman