Kahit nga si Maui, nanibago sa shooting ng Masamang Ugat dahil hindi siya pinaghubad. Meron lang siyang isang passionate kissing scene with Mikey Arroyo.
Ang dami nang nakahalikan ni Maui sa pelikula at mas higit pa sa kissing, pero never na inatake siya ng nerbiyos. Sa Masamang Ugat, aminadong kinabahan siya, simply because ang anak ng presidente ang kanyang ka-eksena.
Kung kinabahan si Maui, higit ang nerbiyos ni Mikey. First time kasi niyang magkaroon ng torrid kissing sa pelikula.
Ano naman kaya ang nangyari kung parehong nangatog ang magkaparehang naghahalikan? Curious lang ako sa resulta. Ayaw magsalita ni Direk Willie.
Ang ikinuwento na lang ni direk ay ang eksena ni Gwen Garci na tunay na pampatayo ng ugat man o litid. Si Ace Vergel ang partner ng sexy sa intimate scene, isa pang Mr. Suave. Im sure, hindi naman lumabas na malaswa ito.
Si Victor Neri kaya? Meron din bang bed scene? Sana hindi nagbantay sa shooting si Angelika dela Cruz.
Pipiliin na ang first batch ng semi-finalist ng isang screening panel composed of professionals sa music industry sa August 15. Ang second screening ay sa August 30. Dito na kukuha ang 12 finalists ng 20 hurado.
Ang mga lahok ay hahatulan base sa originality, musical structure, prosody at audience impact.
Tatanggap ng tropeo at P250,000 ang grand prize winner. Ang second prize, P100,000 at ang third place, P75,000. Lahat ng hindi nanalong finalists, may premyong tig-P10,000.
Ang Mang Levi Popular Music Festival was conceived by Viva Entertainment CEO Vic del Rosario, Jr., bilang parangal sa yumaong National Artist for Music na si Levi Celerio.
Mga obra maestra ang mapapanood ninyo ng libre sa Instituto Cervantes sa kanto ng Leon Guinto at Estrada Streets sa Maynila. Okey ito lalo na kung mga masscom students kayo.
Sa buwan ng Hulyo naipalabas na sa Instituto Cervantes ang Life According To Muriel at Work in Progress. Sa July 19 (Sabado), showing ang Flowers From Another World. Ang Flores del Otro Mundo ay base sa isang tunay na istorya sa isang probinsiya sa España. Ginawa ito ni Iclar Bollain noong 1999.
Sa isang Sabado naman (July 26), mapapanood ang The City With No Limits, gawa sa Argentina ni Director Antonio Hernandez noong 2001. Itoy tungkol sa isang pamilya sa Madrid, Espanya na nagtungo sa Paris upang suportahan ang kanilang patriarch na malapit nang pumanaw. Doon magkakaalam ng mga lihim at iba pang mga relasyon.
Lahat ng film screening ay ganap na alas-5:00 ng hapon. Ang karamihan sa mga pelikulang pinalalabas sa Instituto ay may English subtitles. Kung marunong naman kayo ng Kastila, okey lang kahit walang subtitles.
Limitado ang upuan at first come, first served. Kaya agahan ang punta bago mag-alas-5:00 ng hapon.