Mayroon na siyang Alex, Oyo Boy concern pa rin kay Anne

Sa malapitan pala ay napakalaki ng pagkakahawig ni Oyo Boy Sotto sa kanyang amang si Vic Sotto. Mas magandang lalaki lamang siya dahilan sa nahaluan siya ng dugo ng isang Dina Bonnevie pero, ang mga kilos niya, ang mannerisms, kuhang-kuha sa kanyang ama. "Pati sa tsiks, mana rin ako sa kanya," sabing may pagbibiro ng komedyante ring si Oyo Boy.

Pagkatapos niyang mawala sa mga programa ng GMA, regular na naman siyang mapapanood sa Love To Love, isang back to back na love stories na papalit sa Kahit Kailan, simula bukas Linggo, Hulyo 13. Kasama siya sa seryeng "Rich In Love" bilang ka-loveteam ni Maxene Magalona.

When asked kung posible ba silang magka-debelopan ng kanyang bagong kapareha, sinabi niyang "Malabo, maganda siya pero di siya ang tipo ko."

Instead, inamin niya na may relasyon sila ni Alessandra de Rossi ngayon. Bago pa sila magpunta ni Anne Curtis sa Australia para magbakasyon ay break na raw sila. Sinabi rin niya na aware siya sa panliligaw dito ngayon ni Polo Ravales. "Hindi ako nakikialam sa lovelife niya, basta ‘wag lamang siyang sasaktan ni Polo dahil sasaktan ko rin siya," sabi niya.

Nagustuhan niya kay Alex ang pagiging totoo nito, "Mabait siya and very sweet," sabi niya bagaman at ayaw niyang ikumpara ito kay Anne. "Matagal na kaming magkakilala ni Alex, magkaibigan. Palagi siya sa bahay dahil friends sila ni Danica (Sotto, his sister). Kilala na rin siya ng mga parents ko."
*****
Maraming bagong pangalan at mukha na makikilala sa Love To Love. Isa sa kanila si Bastian Samson na kasama sa cast ng "Rich In Love", tinatampukan ng dalawang loveteams nina Maxene at Oyo Boy at Valerie Concepcion at Bryan Revilla.

Galing sa angkan ng artista ang 20 taong gulang na si Basti dahil apo siya ng itinuturing na "Father of Philippine Movies" na si
Jose Nepomuceno. Pamangkin din siya ng sikat na bowler na si Paeng Nepomuceno. Between bowling and showbiz, nag-decide siyang i-pursue ang acting.

Kontrabida ang role niya sa bagong series. "Ok lang ang maging kontrabida, iba ang dating, mas may challenge," sabi niya
.
*****
Nagsa-shopping naman sa Duty Free shop sa Clark, Pampanga ang 14 year old na si Monica Middler nang mamataan siya ng kanyang manager na nagma-manage rin sa sexy star na si Aleck Bovick. Madali siya nitong naihanap ng assignment, ito ngang Love To Love, sa seryeng "Rich In Love" bilang bestfriend ni Katarina Perez.

"Maliit pa ako, gusto ko nang mag-artista," sabi ng teener na may German-American father at Filipina mother.

Sa ngayon ay under training siya. Marunong siyang kumanta, umarte, sumayaw at mahilig siya sa sport, excelling in badminton, track and field at swimming.
*****
May tampo pala ang bandang Parokya Ni Edgar kay Regine Velasquez. Nung ginawan ni Regine ng kanyang bersyon ang "Harana" ng grupo ay nangako ito kay Chito Miranda, ang soloista ng grupo na idu-duet nila ang nasabing awitin. Nasa Singapore pa sila nun at parehong may kinakantahan. Nai-record at nai-record na ni Regine ang nasabing awitin pero, hindi nalaman ng grupo kung bakit hindi sila nakasali at kung paanong si Dingdong Dantes ang naka-duet ni Regine. Syempre, disappointed si Chito, gustung-gusto niyang makatrabahao ang Asia’s Songbird.

May bagong album ang
Parokya, ang "Bigotilyo" na inilabas ng Universal Records at nagtatampok sa mga bagong komposisyon ng grupo gaya ng "Mr. Suave" sinulat ng basista ng grupo na si Buwi Meneses, ang mga komposisiyon ni Chito na "Chikinini", "Iwanan Mo Siya", "Choco Latte", "Alumni Homecoming", ang tatlong kontribusyon ng rhythm guitarist na si Gab Cheekee na "Absorbing Man", "Tsaka Na Lang" at "Trip", remake ng "Katawan" ng Hagibis na medyo iniba ni Chito ang lyrics.

Show comments