^

PSN Showbiz

Lakas ng loob ang puhunan ni Anna Fegi

PARINIG NGA! - Lanie M. Sapitanan -
Lakas ng loob ang naging puhunan ni Anna Fegi para magkaroon siya ng puwang sa mundo ng musika. Matapos siyang lumuwas ng Manila mula Cebu five years ago, nakipagsapalaran siya sa magulong buhay sa siyudad. Pero kung tutuusin, dati na siyang myembro ng Smokey Mountain ni Ryan Cayabyab bago siya nakilala sa Cebu.

Pero pangarap talaga ni Anna na sumikat hindi lang sa Cebu. Kaya lakas loob siyang lumuwas ng Maynila para mag-audition sa ABS CBN na nangangailangan noon ng isang female singer. Tinawagan niya ang isang talent coordinator ng Dos na dalawang taon niyang itinago ang calling card. Nagtagumpay naman siya. Madali siyang nakilala.

Kung dati ay umiiyak siya sa kanyang ama dahil wala pa siyang trabaho, ngayon ay naiiyak siya sa dami ng kanyang commitments here and abroad. Pag sinasabi niya ngayon sa kanyang ama ang ganito, nagkakatawanan na lang sila.

Hindi naman siya nagrereklamo pero sa dami ng kanyang trabaho ay nawawalan siya ng pahinga. Ang tanging ginagawa niya ngayon ay magpasalamat sa mga biyayang natatanggap niya.

Naikwento rin ni Anna na ang kanyang ama talaga ang nagpursige na kumanta siya. Hilig din kasi ng kanyang ama ang kumanta. Sa katunayan, lagi raw itong sumasali sa mga singing contests nung binata pa ito. "Nagmana ako sa kanya. At nung bata pa ako ay madalas akong maglaro. Pero pag ready na ang minus one saka palang ako tatawagin ng tatay ko para mag-practice." Sabi pa niya, mas gusto pa niyang kumanta kesa mag-aral. May time nga raw nung high school siya na kinakantahan niya ang kanyang teacher para lang makapasa sa kanyang mga subjects. Ang hilig din niya sa pagkanta ang naging rason kaya hindi siya nakatapos ng kolehiyo.

Nagbunga naman ang lahat, ngayon ay doble ang kanyang saya dahil may bago na naman siyang album, "Anna Fegi: Straight A Head" sa ilalim ng BMG Records na ang carrier single ay "Saan Ka Na Kaya Ngayon". Naglalaman ito ng 12 songs.

Inspirado si Anna sa kanyang mga ginagawa dahil sa kanyang special someone na nagbibigay sa kanya ng lakas para kayanin ang lahat ng trabaho.

ANNA FEGI

CEBU

KANYANG

NIYA

PERO

RYAN CAYABYAB

SAAN KA NA KAYA NGAYON

SIYA

SMOKEY MOUNTAIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with