Susundan na ang hit ni debut album ni Piolo
July 11, 2003 | 12:00am
Hindi lahat ng artista ay marunong magdala ng kasikatan. Marami ang nakalilimot tumanaw sa pinanggalingan at magpasalamat sa mga taong tumulong sa kanilang pag-angat. Kung kaya naman marami ang nagmamahal at humahanga kay Piolo Pascual. Kung gaano kataas ang kanyang paglipad, ganundin kalalim ang kanyang pagbigay ng pasasalamat, di lamang sa kanyang mga kapwa artista at katrabaho, kundi pati sa mga fans.
Bukod sa mga parangal para sa kanyang pagganap sa Dekada 70, tumanggap din ng papuri si Piolo para sa kanyang self-titled debut album under Star Records produced by the multi-awarded singer-songwriter na si Ogie Alcasid. Ilang buwan lamang makalipas ang launch nito sa ASAPay nakamit na nito ang gold record status, at patuloy na umangat sa platinum record status. Patunay na kaya niyang umangat sa anumang larangan, dahil na rin sa kanyang angking kagalingan at suporta ng fans.
Maging ang fans sa ibang bansa ay mahal na mahal si Piolo. Sa naging concerts ng Hunks sa ibat ibang bansa tulad ng US, Japan, Hong Kong, at Dubai halos di maawat ang fans pag nakita na si Piolo. Lalo pa pag kumanta na ito, wala na halos marinig dahil sa sigawan ng mga tao. Nakakatuwang malaman na hanggang doon ay sikat ang mga awitin sa kanyang album.
Ngayon ay busy pa rin si Piolo sa taping ng Buttercup, ang bagong programa ng ABS-CBN na usap-usapan ngayon ng fans, at ang kanyang regular na pag-host at pag-perform sa ASAP at Masayang Tanghali Bayan. Malapit na rin niyang umpisahan ang kanyang second album under Star Records, sa tulong pa rin ni Ogie Alcasid.
Wala na nga atang mahihiling pa si Piolo. Sa dami ng kanyang nakamit, di na halos matapos ang kanyang pasasalamat sa Diyos, at sa mga taong tumulong at patuloy pang tumutulong sa kanya, lalung-lalo na sa fans na walang hanggan ang suporta. Di nagdamot ang tadhana kay Piolo dahil nagsikap ito upang marating ang kanyang kinaroroonan. Sinuklian lamang ang kanyang tiyaga at ang mabuting pakikitungo sa mga tao sa paligid niya.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended