Ruffa, naospital dahil sa ex ni Yilmaz

Last Wednesday (July 9) namin nalaman na isinugod si Ruffa Gutierrez-Bektas sa isang pagamutan ng Los Angeles (California) dahil nagkaroon siya ng pre-mature labor. Nakarating kasi kay Ruffa yung lumabas sa isang local magazine na kung saan siniraan siya ng nagki-claim na unang asawa umano ni Yilmaz Bektas na nagngangalang Selen Gorguzel kung kanino may isang anak na babae si Yilmaz. Dahil sa sama ng loob, naapektuhan nang husto si Ruffa na siyang naging dahilan ng kanyang pagkakaroon ng early contraction na ang buong akala niya’y mapapaaga na ang kanyang panganganak. Maswerte rin at hindi dinugo si Ruffa dahil kung nagkataon, mamimiligro ang bata na nasa loob ng kanyang sinapupunan. Na-confine si Ruffa sa pagamutan for a few hours at pagkatapos nito ay muli siyang pinauwi at pinayuhang magpahinga.

Of course, nagalit umano si Yilmaz kay Selen na inamin niyang naging kasintahan niya at meron silang isang anak na babae pero, matagal na umanong tapos ang kanilang relasyon. By the time na lumabas ang column na ito ay malamang lumipad na si Yilmaz ng L.A. from Cyprus para damayan si Ruffa.

Since nagkaroon ng relasyon sina Yilmaz at Selen, natural lamang na mayroon silang mga intimate photos at pinalalabas ni Selen na hanggang ngayon ay may relasyon pa sila ni Yilmaz at si Ruffa ang kanyang pinalalabas na second wife.

Kung totoong kasal si Selen kay Yilmaz at nangyari umano ito nung October 27, 1997, bakit hindi ito maglabas ng ebidensya tulad ng marriage contract?

Hindi naman siguro maglalabas ng official statement si Yilmaz tungkol sa kanilang naging relasyon. Hindi rin naman ikinakaila ni Yilmaz na meron silang anak na mahal na mahal niya.

Kini-claim din ni Selen na bahay umano niya ang bahay ngayon nina Ruffa at Yilmaz sa Istanbul na ibinigay umano sa kanya ni Yilmaz nung ipinagbubuntis pa lamang niya (Selen) ang kanilang magiging baby.

Kung tutuusin, ang mga kasong ganoon ay marami rito sa Pilipinas. Tulad na lamang ni Aga Muhlach, nang kanyang ipatayo ang kanyang bahay sa Ayala-Alabang, si Dayanara Torres pa ang kanyang kasintahan pero ang nakatira doon ngayon ay si Aga at ang kanyang misis na si Charlene Gonzales at anak na kambal na sina Andres at Atasha.

Nang ipatayo rin ni Richard Gomez ang bahay niya sa Greenhills ay wala pa si Lucy Torres sa kanyang buhay. At that time, si Patricia Borromeo pa ang kanyang kasintahan. Pero hindi si Patricia ang nakatuluyan ni Goma kundi si Lucy.

Nang ipatayo rin ni Mayor Joey Marquez ang kanyang bahay sa Tahanan Village in Parañaque, tumira rin doon ang dati niyang girlfriend na si Melissa de Leon. Pero sino ang nakatira sa bahay na ’yon ngayon? Si Alma Moreno at ang mga anak ni Joey.

Hindi isyu kay Ruffa ang bahay na kini-claim ni Selen. Kung gusto umano ni Selen na ariin ang bahay sa Istanbul, wala umanong problema sa kanya. At kung totoong ibinigay ang bahay ni Yilmaz kay Selen, bakit dadalhin doon ni Yilmaz si Ruffa pati na ang kanyang mga magulang na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama? Marami ring lapses ang mga pahayag ni Selen, pero, walang ibang magpapasinungaling o magpapatotoo ng lahat kundi si Yilmaz na rin mismo.

In the meantime, let us pray and hope na makayanan ni Ruffa ang tension na bumabalot sa kanyang buhay ngayon dahil lamang sa mga balita at sana’y mailuwal niya nang maluwalhati si Princess Bektas.
* * *
Email: <a_amoyo@pimsi.net>

Show comments