Martin, nagtangka ring magpakamatay

Matapos ang isang iyakang episode sa Sis ng GMA 7 nung Miyerkules ng umaga na kung saan nalaman natin na minsan ay tinangka ni Janice de Belen na wakasan ang kanyang buhay at ang mainit pa ring balita ng pag-inom ni Ciara Sotto ng sleeping pills na nagdala sa kanya sa ospital, eto naman si Martin Nievera na umamin din na minsan ay nagtangka siyang mag-suicide, ito ay nung hindi mag-work-out ang marriage nila ni Pops Fernandez. Inisip niyang ibangga ang kanyang kotse para mapatunayan kung tatanggapin siyang muli ni Pops kapag naaksidente siya.

Ang buod ng istoryang ito at ang nabigong relasyon nila ni Katrina Ojeda ang tatalakayin sa episode ng Kontrobersyal ni Boy Abunda bukas, 10:30 n.g. sa ABS CBN.
* * *
Samantala, isang batang-bata at bagong artist ang makikilala ng publiko isa sa mga araw na ito. Siya si Jojo Valerio, 14 na taong gulang at discovery ng multi-awarded songwriter at hitmaker na si Alex Catedrilla. Nakita siya nitong kumakanta sa isang sing-along bar. Agad ay nilapitan siya nito at inalok na bigyan siya ng voice lessons.

Sa singing gustong gumawa ng pangalan ni Jojo. Ang kanyang talino dito ay namana niya sa kanyang mga magulang na parehong kumakanta. Kasalukuyan na siyang nagre-recording ng kanyang magiging unang album na iri-release ng isang major recording outfit. Magaling kumanta si Jojo at mayroong wide repertoire of songs ranging from pop, upbeat ditties, ballads, classics at maski na rap.

Ang junior high school stude ng San Beda ay isang magaling na musician, being able to play the guitar, organ and flute. Naglalaro rin siya ng soccer at basketball. Mataas siya at 5’9-1/2’’.

Hindi pa nailulunsad si Jojo Valerio pero marami na ang kumukumbinse sa kanya na ilalakad siya para maging artista. Bagaman at natutuwa ito, ang lahat ng may kinalaman sa kanyang showbiz career ay ipinamamahala niya sa kanyang mentor-discoverer.

Mapapanood siya sa isang concert ni Rufa Mae Quinto sa Agosto 18 sa Klownz.
* * *
Twenty years na si Gary Valenciano sa showbiz. Mayroon na siyang 20 albums. At dahil pambihira ang umaabot ng ganito katagal sa kanyang trabaho na nasa rurok pa rin ng katanyagan kaya bilang pasasalamat, isang buwang selebrasyon ang kanyang gagawin. Magsisimula ito sa isang serye ng konsyerto sa Music Museum sa Agosto 8, 9, 15, 16, 22, 23, 29, 30 at Set. 5 at 6, 9:00 n.g.

Makakasama niya sina Kyla, ang anak niyang si Gabriel Valenciano, Mary Ann Casal Soriano, Melissa Fontano at Pam G na siyang opening act.

Magsisilbing birthday concert din ito ni Gary V who will celebrate his birthday on August 6.
* * *
Promise, walang drama kundi puro kasiyahan ang ipagkakaloob sa mga manonood ng bagong programa ng GMA na Love to Love na magsisimulang mapanood sa Linggo, Hulyo 13, 4:00 n.h.

Ang Love to Love ay tatampukan ng dalawang romantic series, ang una ay "Rich In Love", tungkol sa dalawang kabataang lalaki na ipinagpalit ang kanilang lifestyle para mapagtagumpayan ang kanilang pangingibig sa dalawang babae.

Ang ikalawang episode ay pinamagatang "Maid For Each Other", modernong bersyon ng Snow White. Tungkol sa isang mayaman pero sheltered girl mula sa Cebu na tinakasan ang kaguluhan sa kanyang pamilya na naguluhan sa kanyang buhay sa Maynila.

Tampok sa una sina
Oyo Boy Sotto, Bryan Revilla, Maxene Magalona at Valerie Concepcion. Kasama nila sina Bastian Samson, Katarina Perez, Nicole Judaleza, Isabela, Melanie Marquez, Rez Cortez at Tommy Abuel.

Dalawang pareha rin ang tampok sa
ikalawang serye, sina Chynna Ortaleza at Richard Gutierrez, Nancy Castiglione at Cogie Domingo kasama sina Eddie Gutierrez at Jean Saburit, Lloyd Samartino, Lyn Sherman, Cheska Garcia, Kai Brosas at Ces Quesada.

Show comments