^

PSN Showbiz

Camille, may bagong partner

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
May bago na namang craze sa malls ngayon. Ito ang Thumbs Up, mga mini-ice cream na nakalagay sa isang paleta. Isa sa mga owners nito ay ang budding entrepreneur na si Dominic Ochoa. Nagagamit na ni Doms ang kanyang tinapos sa UST (Commerce). Kasosyo niya sa negosyo ang kanyang non-showbiz friends. Admitted ice cream lover si Doms, nakita niya ang ganitong concept two years ago sa Bangkok, Thailand. Ang mabili raw na flavor ay avocado na siya ring favorite niya. Hands-on talaga sa kanyang bagong baby si Dom.
* * *
Busy ngayon si Franco Laurel sa rehearsal ng musical show niya entitled, Honks. It will run from August 1 to September 4 sa Tanghalang Francisco Balagtas (formerly known as Folk Arts Theatre). Kabilang sa mga makakasama niya sina Carlo Orosa, Lana Jaloslos at Agot Isidro. Di maikakaila na malapit sa puso ni Franco ang entablado dahil bukod sa hilig niya talaga ito ay dito niya nakilala ang babaing kanyang pinakasalan, si Ayen Munji.

Speaking of Ayen, ang makulay na buhay niya ang ipalalabas sa Maalaala Mo Kaya ngayong gabi. Marami ang nai-excite at curious kung paano ang maging isang prinsesa.
* * *
Exciting ang Tabing-Ilog sa darating na episodes nito sa pagpasok ng mga bagong cast members na pinangungunahan ng mga Star Circle Batch 11 artists na sina Paolo Paraiso, Brian Tan at Juddha Paolo. Marami ang naghi-hint na they have the potentials to become leading men. Ngunit sa ngayon, aminado naman sila na kailangan nilang mahasa pa at willing silang matuto.

Si Juddha, na mas kilala bilang "Hottah, Hottah Guy", ang magiging ka-loveteam ni Camille Prats at si Brian, na in-demand ramp and commercial model ang apple of the eye ng character ni Jodi Santamaria. Samantalang si Paolo naman, na isa sa mga top models ng bansa, ang magiging partner ni Paula Peralejo.

AGOT ISIDRO

AYEN MUNJI

BRIAN TAN

CAMILLE PRATS

CARLO OROSA

DOMINIC OCHOA

FOLK ARTS THEATRE

FRANCO LAUREL

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with