Nagkita sa isang showbiz happening ang young actor na unti-unti nang gumagawa ng pangalan at isang sexy star na kahit mga late 20s na ay maganda pa rin at flawless.
Nagpakita agad ng motibo ang aktres sa young actor at dinidikitan na ito tuwing silay may laro.
Makalipas ang dalawang araw ay tinangay na ng aktor ang sexy star. Dun sa condo unit nito natulog ang aktres.
Alab Ng Lahi, Ginagamit Na Sa Iskwela! |
Naikwento ng Girl Friday ni
Robin Padilla na kagagaling lang pala nito sa sakit. Hindi nito nakayanan ang sunud-sunod na taping ng programa nila ni
Judy Ann Santos na
Bastat Kasama Kita. Hindi kasi sila nakapagreserba ng extra episodes ng show kaya naging limang araw ang taping.
Sa kabilang banda, kung naging matamlay man ang kita ng kanilang entry ni
Jacky Woo sa nakaraang
MFF na
Alab ng Lahi ay ratsada naman ito ngayon sa lalawigan. Katunayan, tinangkilik ito ng mga estudyante lalo na sa Cavite, Batangas at Quezon Province kung saan iminungkahi ng
DECS na panoorin ito.
Sa isang iskwelahan sa Cavite ay nagkaroon pa sila ng symposium tungkol sa pagpapalaganap ng pagmamahal sa bayan at pagtalakay ng values lalo na sa mga kabataan.
Nagagamit din ito ng mga guro sa kanilang mga aralin kung saan ini-integrate nila ang pelikula sa Social Studies, Character Education at History.
"Direk", Tawag Ni Manilyn Kay Aljon |
Napuna namin sa taping ng
Todays Mom hosted by
Gigi Malonzo, Manilyn Reynes at
Joan Canete Chan na "Direk" ang tawag ni Mane sa asawa. Kami man ay nagtataka kung bakit si
Aljon Jimenez ang kinuhang direktor ng show.
Ayon sa mga hosts noong nag-brainstorming sila ay maraming magagandang ideas ang aktor kaya na-impress ang lahat. Mahilig palang magbasa ng libro si Aljon lalo na sa directing kaya marami itong alam.
Sinabi pa ni Mane na pagdating sa trabaho, sinisita siya ni Aljon. Ipinagmamalaki ng dalawa na sa pagdaan ng maraming taon ay naging matatag ang kanilang pagsasama. Wala silang yaya kaya sila mismo ang nag-aalaga ng kanilang mga anak.
Napanood ko ang pelikulang
Mga Babae sa VIP Rooms at gusto kong magbigay ng puna sa direktor nito. Hindi nito binigyang pansin ang continuity ng kanyang eksena. Gaya ng isang eksena sa tindahan kung saan bumibili ng pandesal sina
Brando Legaspi at
Rose Valencia. Nakasuot ng yellow polo shirt with long sleeves si Brando pero nagulat ako nang maya-mayay binabastos na si Rose ng mga maton at apir si Brando at nakikipagsuntukan pero iba na ang suot na polo shirt at naka-short sleeves na. Nagtawanan tuloy ang mga manonood. Aware kaya si direk sa error niya? Halata ring luma ang print na ginamit kung saan hazy ito na parang may ulan-ulan, parang segunda manong print, di kaya?
Chynna, Tumigil Na Sa Pag-Aaral! |
Nasa college na si
Chynna Ortaleza na ka-loveteam ni
Richard Gutierrez sa
Click pero napilitan itong tumigil dahil sa dami ng commitment. Isa nga siya sa pinakaabalang young star sa
GMA 7. Bukod sa
Click ay kasama pa rin ito sa
Habang Kapiling Ka at tuwing Linggo sa
SOP. Mapapanood na rin si Chynna sa
Luv 2 Luv na papalit sa soap opera na
Kahit Kailan, Huwebes lang ang kanyang pahinga.
Ang kanyang ina ang tumatayong manager nito kaya lagi niyang kasama sa mga lakaran. Si Chynna ang pinakabunso sa tatlong magkakapatid at nag-iisang babae.
Nagsimula ito sa showbiz bilang child reporter ni
Che Che Lazaro sa
5 &Up. Maganda ang tambalan nila ni Richard Gutierrez. May nagtatanong tuloy kung totoo bang nililigawan siya ng kapareha?
"Naku, Tita, we are the best of friends at maganda ang working relationship namin. Malambing si Richard at very thoughtful kaya nagkakasundo kami pero hindi siya nanliligaw," aniya.