Ang interpretation ng karamihan, pinopormahan ni Lucky si Heart.
Pero natatawa lang si Heart. Nahihiya lang daw siya kay Lucky dahil wala namang rason para ma-link sila.
Hindi raw dapat seryosohin ang tsismis ayon kay Heart dahil wala itong basehan. Besides, wala raw sa vocabulary niya ang love, mas gusto raw niyang mag-concentrate sa trabaho.
Natural daw ang pagiging kind at sweet niya in person na binibigyan ng malisya ng maraming tao.
Sinisiguro ni Heart na walang dapat ikabahala ang fans nila ni John Prats dahil going strong ang friendship nila ng young actor na ang pakiramdam niya ay gustong sirain ng ibang tao.