Tracy gustong umangat sa pagiging bold star

Nasa planning stage na pala ang Pinoy Kamasutra na gagawin ng Leo Films na ang magiging bida ay ang magandang si Tracy Torres. Kung tutuusin, malayo na ang narating ng sexy actress na ito. Bukod sa sunud-sunod ang pelikula niya, maraming beses ko na siyang napanood sa TV as guest gaya ng Idol Ko Si Kap, Habang Kapiling Ka at Sing Galing.

Bagama’t maraming offer sa TV si Tracy, nagkakasya na lang ito sa mga TV appearances dahil sa takot na ma-over expose siya.

"Marami namang pinagkakaabalahan si Tracy gaya ng fashion show at mga provincial shows dahil magaling din itong umawit. Katunayan sa August 1 ay mayroon itong show sa Casino Filipino kasama ang ibang sexy stars sponsored by PAGCOR. Pakukuhanin ko nga ito ng voice lesson para lalo pang mahasa sa pag-awit," anang manager nito na si Eddie Alcantara, na kung saan nakatira si Tracy at ang 14 year old sister nito.

Natutuwa si Eddie dahil mabait ang kanyang alaga na nakatira sa kanya at itinuturing niyang kamag-anak kasama ang half sister na 14 years old. Pinag-aaral ni Tracy ang kapatid dahil namatay noong last year ang kanilang ina.
‘Wish Ko Lang’ Staff, Muntik Mamatay!
Inamin ni Bernadette Sembrano na nata-touch siya sa mga natutulungan nila sa programang Wish Ko Lang. Katunayan ay lumuha siya habang ikinukwento ang mga walang malay na bata na naging biktima ng giyera sa Mindanao. "I emphatize with them kahit ang buong staff ng show. Lahat ay naapektuhan kaya umaasa ako na sana’y tumagal pa ang show at ma-inspire ang maraming manonood sa mga makabuluhang istorya lalo na yong pagtulong sa mga kapus-palad," aniya.

Sinabi rin ng magandang TV host na dahil sa kanilang pagtulong ay minsan nang nalagay sa bingit ng kamatayan ang kanilang buhay nang tumaob ang kanilang bangka dahil sa laki ng alon. May bagyo pala at muntik nang lumubog ang bangka dahil sa ga-bahay na alon habang patungo sila ng Masbate.
Melvyn, Kasama Ni Patricia
Inaayos na ni Melvyn Dizon ang mga papeles niya at naghahanda na sa kanyang pagpunta sa Metro Washington, DC sa August 1 para sa isang show with Patricia Javier na kasalukuyang nasa Amerika na for a series of shows.

Nai-book si Melvyn ng kanyang manager na si Offie Angeles para maging front act ng sexy actress sa Golden Dragon Restaurant &Super Club na pag-aari ni Cora Dones. Kaibigang matalik ni Offie ang may-ari ng club na siya ring magbibigay ng mga shows sa gwapong singer sa Las Vegas at New York. Kapag nagkataon, matatagalan na siguro bago magbalik-bayan ang singer.

Show comments