Hindi pa ipinagsasabi ng dalawa nina
Angelika dela Cruz at
Victor Neri na tinapos na nila ang napaka-bata nilang relasyon pero, ayon sa aking source na taga-
Ang Iibigin Ay Ikaw Pa Rin ay sila lamang ang nakakahalata sa pagbabago ng relasyon ng dalawa. Bagaman at pilit na ikinukubli pa rin ng dalawa ang nasira nilang relasyon, nag-gi-guest pa rin sila ng magkasama sa ilang mga shows at tumatanggap ng mga engagements na magkasama, marami na sa mga kasamahan nila sa soap ang nakakaalam ng tunay na estado ng kanilang relasyon.
Hindi ma-pin point ng aking source ang tunay na dahilan ng break-up ng dalawa pero, sabi niya ay hinulaan ng marami na hindi magtatagal ang relasyon ng dalawa sapagkat marami pang plano sa buhay si Angelika na maaaring masira sapagkat seryoso na raw ang aktor sa kanilang relasyon.
Abangan na lang natin ang mga susunod na kabanata sa magandang pag-iibigang ito na mauuwi lamang sa kalungkutan.
Naghahanap ang Professional Kiddie and Teen Models Association of the Phils. (PKTMAP) ng mga kabataang may edad apat na taon hanggang siyam para maging myembro ng Kiddie Model of the Year at mga teeners na may gulang na 13 hanggang 19 years old para sa Teen Model of the Year. Sa lahat ng interesado, mangyaring tumawag sa RDH Entertainment Network, 4330149 o 09198107866/09194271818 at hanapin si Senen Curabo o si Bing Barandon para sa iba pang detalye.
Ang grand finals ay magaganap sa katapusan ng Agosto.