Ayon sa aktres, hindi niya alam kung bakit gusto siyang patakbuhin ng mga taga-Pasay sa pagka-mayor at ang tanging naisip nitong dahilan ay ipagpatuloy nito ang magandang pamamalakad ng kanyang yumaong ama sa Pasay. "Hindi lang alam ng mga tao na marami akong natutulungan at hindi ko na kailangan pumasok sa pulitika para sa ganitong pagkawanggawa."
Isa sa pinakadahilan kung bakit posibleng maisipang tatakbo ang Megastar ay dahil mahal ng kanyang ama ang Pasay. Kaya sa plano nitong ipagbili ang bahay sa naturang bayan ay maraming haka-haka na tatakbo siya sa darating na halalan. "Hindi totoo yan pero kung may plano man akong tumira sa Pasay ay dahil dito minahal ang aking ama ng kanyang mga constituents at saka dito ako lumaki at higit sa lahat, napamahal na ako sa mga naninirahan dito."(Ulat ni Alex Datu)