^

PSN Showbiz

Trabaho lang, walang personalan

- Veronica R. Samio -
Nagulat na lang ang grupong Masculados nang mabasang pinagalitan daw sila ng Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP) dahil lumabas silang half-naked sa TV.

"Wala kaming ginagawang ganito sa mga guesting namin sa TV," ani Kiro. "We have always observed proper decorum whenever we appear in public."

"Minsan nagtanggal kami ng shirt sa isang live club act pero, hindi kami lumampas sa boundary ng decency," ani Robin naman.

"Lahat ng ginagawa namin sa stage ay bahagi ng aming act," sabi ni Zoltan. "Ginagawa namin ang lahat para mag-entertain, sana huwag naman itong bigyan ng kulay. Sorry na lang kung mayroon kaming nasasaktang tao in the process."

"Masculados have been out there to give our best. Hindi pwede yung pigil ang performance namin. Dapat bigay todo, kundi baka tawagin kaming Malasado," ani Bok naman.

Abala ang grupo sa promo ng kanilang second single na "Lagot Ka" mula sa kanilang debut self-titled album. Mapapanood sila sa Laffline tuwing Huwebes at Punchline tuwing Biyernes. Nasa Robinson’s Imus sila ngayong hapon at nasa Robinson’s Manila naman sa Hulyo 11.
*****
Bago pa lamang nag-aartista pero nagsisimula nang gumawa ng ingay si Reggie Curley, isang commercial-ramp model at mapapanood sa unang pagkakataon sa theatrical adaptation ng Temptation Island, isang classic film ni Joey Gosiengfiao.

Ginagampanan niya ang role na ginampanan ni Alfie Anido sa movie. Love interest ng character ni Dina Bonnevie.

Ang stage adaptation ay may bagong twist sapagkat ang role ng mga babae ay gagampanan ng mga bakla. Unang pagkakataon ito ni Reggie sa stage at magpapa-sexy siya. Ito na marahil ang hudyat ng pagiging daring niya.

Ang Temptation Island ay mapapanood sa July 3, 4, 5 at 6 sa Tanghalang Huseng Batute sa CCP sa direksyon ni Cris Martinez. Kasama rin sa cast sina John Lapus at Christian Vasquez.

Samantala, nakunan na ang eksena ni Reggie sa pelikula ng Star Cinema starring Aga Muhlach and Sharon Cuneta. Sa movie, masugid na manliligaw siya ni Sharon.
*****
Nung buwan ng Hunyo sa programang The 700 Club Asia, nagulat ang guest host na si Chat Silayan nang makapanggamot siya for the first time. Nagdarasal siya ng "If there’s someone watching right now who is having difficulty breathing. You’ll be healed by God." That very moment si Fides Castañeda, administrative officer ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) ay nanonood. May asthma siya simula pagkabata at nagdadala ng nebulizer sa opisina para gumaan ang kanyang paghinga.

"Ako yun," sabi niya at sumabay ng dasal kay Chat. Afterwards, naramdaman niyang nawala yung parang nakahalang sa dibdib niya. "Nakahinga na ako. Salamat sa Diyos na pinagaling ako."

Ang pangyayaring ito ay bahagi ng three-day series of live special called Secrets Revealed na mapapanood sa Hulyo 7, 8 at 9, 9-12:30 ng umaga sa Channel 2 hosted by Chat, Peter Kairuz and Dulce. Panauhin sina Steve Regala, Maria Isabel Lopez at iba pang celebrities na nakaranas na ng haplos ng Panginoon sa kanilang buhay.

vuukle comment

AGA MUHLACH AND SHARON CUNETA

ALFIE ANIDO

ANG TEMPTATION ISLAND

CHAT SILAYAN

CHRISTIAN VASQUEZ

CLUB ASIA

CRIS MARTINEZ

DINA BONNEVIE

FIDES CASTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with