^

PSN Showbiz

Rica,ayaw na talagang mag-bold

- Veronica R. Samio -
Maganda yung naging desisyon ni Rica Peralejo na tumigil na sa paglabas sa bold movies. Feel kasi niya ay sapat na yung nagawa niya before.

"Mahirap nang gawin ito ngayon dahil alam nyo namang may limitations ako, wala akong laban sa mga lumalabas sa ganitong klase ng movies dahil they are doing more than I can. Mahirap namang makipag-compete sa kanila dahilan sa may mga priorities ako. Besides, lahat naman pwede kong gawin, I can act, sing, dance, pwede rin akong mag-host. I feel sapat na ang mga iba ko pang nalalaman for me to stop doing bold movies. Lalo na ngayong may iba akong offers na movies. Kaya lang akala nila exclusive ako sa Viva. While it is true na may contract ako sa Viva, may option ako to do two movies from other companies. Interested ang Star Cinema na pagawin ako ng isang comedy with Marvin Agustin. Mayroon ding offer from Imus Productions. Yung iba na talagang tinanggihan ko ay talagang bold films.

"I miss doing movies. Last film ko yung Hibla although nung ginagawa ko ito, na-realized ko na mahirap palang mag-pelikula tapos may regular shows pa ako sa TV (ASAP, OK Fine Whatever at Thursday opening ng MTB).

"
Ngayon nga confused ako, di ko alam kung ano ako, kung dancer ba, actress, singer o flying sexy girl na itinatapon lang sa ere," masayang kwento ni Rica who just arrived from a singing engagement in Japan.
* * *
Natutuwa si Bernadette Sembrano na kasabay ng pagsikat ng kanyang programang Wish Ko Lang sa GMA ay patuloy din ang pagtaas ng kanyang popularidad. Kahit saan siya pumunta, kinakantahan siya ng "Wish Ko Lang" at maraming mga bata ang nagtatanong ng "Di ba ikaw yung nasa Wish Ko Lang?

Di naman nakapagtataka ang patuloy na pagsikat ng programa, maraming tao ang natulungan at natutulungan nito.

Sa unang anibersaryo ng programa ngayong Sabado, Hulyo 5, bibigyang pugay ng Wish Ko Lang ang ilang makabagong bayani sa Pilipinas gaya ng katutubong Tagbanua ng Barangay Tara na ginagawang marine sanctuary ang kanilang ancestral waters upang di ito masira ng mga commercial at dynamite fishermen, si Ka Perry na nanguna sa pagbabago ng Sitio Ferry, Batangas, dating tambayan ng mga adik at pusher pero ngayon ay halos drug free na dahil sa matagumpay na livelihood program na nang-aakit sa mga dating adik, at si Cairiya Ontong ng Lanao del Sur, ang kinse anyos na babae na lumaban para sa karapatan ng mga bata sa kanyang komunidad na mag-aral. Sa pamamagitan ni Bernadette bibiyayaan ang kanilang mga pangarap para sa kanilang komunidad.
* * *
Si Rochelle Romero ang kauna-unahang Philippine Miss University at nakipag-compete sa international beauty pageant na ginanap sa Seoul, Korea. Isa rin siyang Mutya ng Pilipinas at ngayon ay paboritong endorser ng mga produkto na ang isa ay ang gawa sa Australia na Bevon C, isang multivitamin na aprubado ng BFAD at gawa at ipinamamahagi ng La Couses Pharma Inc.

Madalas nyo siya makikitang lumilibot sa mga iskwelahan, hospital at government insitutions para ipromote ang nasabing produkto na suot ang isang sexy outfit na parang kasuotan ni Darna.

Tapos si Rochelle ng Communication Arts sa UST at ngayon ay isang radio host sa isang AM station tumatanggap din siya ng hosting engagements at modeling jobs para sa top brands sa Taiwan.

AKO

BARANGAY TARA

BERNADETTE SEMBRANO

BEVON C

CAIRIYA ONTONG

COMMUNICATION ARTS

FINE WHATEVER

WISH KO LANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with