Nag-pictorial na siya sa Antipolo, Bohol at Blumentritt kasama ang top Hongkong photographer na si Ho Yim Mo. Five days ang pictorial na umabot pa sa Subic at Baguio.
Hangang-hanga sa kanya ang potograpo dahil wala siyang kyeme sa pictorial.Ililimbag ito ng Excellence Publishing Limited ng Hongkong.
Maswerte sina Alma at Rose dahilan sa dami ng pumunta at nagprisintang mga artista at modelo ay silang dalawa ang napili para sa magasin na ibibenta sa Hongkong, Macau, Taiwan, Saipan, China, Singapore, Malaysia at Japan.
Nagpasya na si Alma na maging active muli sa kanyang acting career. Nakatakda siyang gumawa ng pelikula sa Vintage Productions Inc. kasama sina Ara Mina, Raymond Bagatsing at Carlos Morales.
Ire-repackage si Alma bilang aktres tulad nina Glydel Mercado, Ana Capri at Ara Mina.
Ang dalawang oras na palabas ay magtatampok sa mga piyesang inareglo para sa contemporary audiences na may kasamang novelty numbers ng pinaghalong rap at rave at mga excerpts ng sarsuela. Ang concert na pinamagatang Lagi Kitang Mamahalin ay may layuning i-promote ang mga trabaho at achievement ng ating mga national artists at gumawa ng pondo para sa National Artists Gallery.
Tampok sa konsyerto sina Regine, Sharon, Gary V, Jolina, Roselle, Jong, Verni, Ayen, Franco, Eugene, Jose Llana, Bituin, Carlo Orosa, Wency, Mark Bautista, Paolo Santos, Sheila Francisco, Sarah Geronimo, Arnold Reyes, Madrigal Singers, PPO, Bayanihan, Ballet Phils., UP College of Music choir at marami pang iba.