Michelle, hindi magbo-bold dahil sa pari

Bago pa lamang nagpunta rito sa bansa si Michelle Bayle ay nakapangako na ito sa isang pari sa Canada na sa pagpasok niya sa lokal na pelikula ay hindi siya maghuhubo’t hubad. Kaibigan ng nanay niya ang nasabing pari at ang totoo niyan ay ang nanay niya ang nangako sa pari na hindi magbu-bold ang kanyang anak sa pagpasok sa showbiz.

Hanggang ngayon ay napanindigan ng aktres ang naging usapan ng nanay niya at kaibigan nilang pari. Maganda ang hubog ng katawan nito at kung maghuhubo’t hubad ay marami siyang patataubing bold star. "Mahirap para sa akin na mag-bold dahil nga nakapangako ang mom ko sa pari. Ang pwede ko lang gawin na pagpapa-sexy ay iyong pagsusuot ko lamang ng bra at panty sa Jologs. Kadalasan ay naka-skimpy mini-skirt ako, hanggang diyan lamang ako." — Alex Datu

Show comments