5 years matapos sumikat si DJ Alvaro,heto at nagpapakilala
June 29, 2003 | 12:00am
"Makapal na ang mukha ko ngayon," ang bungad ni DJ Alvaro sa ilang mga press na dumalo sa launching ng kanyang newest album sa Galaxy Records na pinamagatang "Medyo Bastos". Sagot niya ito sa maraming katanungan kung bakit hindi niya pin-romote ang nasabing album na nag-produce ng isang malaking hit single, "Tipo Kong Lalaki". Dapat sana ay sumikat na siya nun pa. Ngayon, maghihintay pa siya kung magiging kasing sikat ang "Medyo Bastos" na mabilis ang recall ng tao sa carrier single nitong "Papa Ka Ba"?
After five years, payag nang-magpa-interview si DJ, bagaman at may mga bagay pa siya na ayaw pakawalan, gaya ng kanyang privacy. Sapat nang sabihin niya na dalaga pa siya ("Hindi pala, bakla ako," sabi niya), isang public administration graduate ng UP.
"Medyo bastos din ako in real life pero, depende sa kasama," dagdag pa niya.
Ang nanay niya ang gustong matutong mag-gitara kaya bumili ito ng gitara pero, ang nangyari, si DJ ang natuto ng husto at naging singer pa.
"Gusto kong maging karatista nun, beauty queen pero, sa recording ako napunta. Hindi pa siguro ako handa nun kaya, parang nagtatago pa ako, ayaw humarap sa tao. Isa pa, napaka-mahiyain ko nun.
"Hindi na ngayon. Handa na akong ipag-malaki ang talent ko at i-share ito. Pumayag na akong mag-promote ng record. Sayang nga naman yung mga panahon na pinabayaan ko," paliwanag niya bilang sagot sa maraming pagkakataon na makikita siyang magpi-perform sa mga malls.
Isa pa ring nagsayang ng panahon itong si Mickey Ferriols. Mabuti na lamang at madali siyang nakakabawi. Ang dami niyang offers kaya nga gusto niyang ipabatid ang malabis niyang pasasalamat sa showbiz sa pagbibigay sa kanya ng isa pang pagkakataon.
Di lamang siya regular na nakikita sa Masayang Tanghali Bayan na kung saan ay happy siya sa mga kasama niya, mayron din siyang ginagawang movie sa Star Cinema na kung saan kasama niya sina Aga Muhlach at Sharon Cuneta.
"Yung naunsyami kong movie with Da King FPJ ay nagkaroon na rin ng kapalit. Thank God talaga!
"Gusto ko lang naman maalala ng lahat na aktres din ako. Para madagdagan ang kabuhayan.
"Si Aga, ang galing mambuska. Nung mag-guest ako sa Ok Fine Whatever, chubby talaga ako. Pinisil-pisil pa niya ang bilbil ko sa braso. So, I promised myself to go on diet at nasorpresa naman siya nang mag-shoot kami ng Kung Ako Na Lang Sana directed by Joey Reyes. Dusa talaga, di ako kumain ng rice pero, compensated naman dahil pinuri ako ni Aga."
Hindi naman nawawalan ng raket si Anna Fegi. Kasama na naman siya sa Fashion Storm 2003 na gaganapin sa SM Southmall sa Hulyo 13, 4:30 n.h.
Kakanta si Anna ng choice cuts from her album sa BMG Records Pilipinas, "Straight Ahead". Galing dito ang single niyang "Saan Ka Na Kaya Ngayon" na madalas niyang naririnig sa radyo. Ang iba pa niyang palabas ay ang Sangang Daan Festival, CCP, Hulyo 6; RJ Rosales Concert, Hard Rock Cafe, Hulyo 7; Lagi Kitang Mamahalin, CCP, Hulyo 11-12; Crossover Presents kasama si Basil Valdez, Mandarin Captains Bar, Hulyo 16.
After five years, payag nang-magpa-interview si DJ, bagaman at may mga bagay pa siya na ayaw pakawalan, gaya ng kanyang privacy. Sapat nang sabihin niya na dalaga pa siya ("Hindi pala, bakla ako," sabi niya), isang public administration graduate ng UP.
"Medyo bastos din ako in real life pero, depende sa kasama," dagdag pa niya.
Ang nanay niya ang gustong matutong mag-gitara kaya bumili ito ng gitara pero, ang nangyari, si DJ ang natuto ng husto at naging singer pa.
"Gusto kong maging karatista nun, beauty queen pero, sa recording ako napunta. Hindi pa siguro ako handa nun kaya, parang nagtatago pa ako, ayaw humarap sa tao. Isa pa, napaka-mahiyain ko nun.
"Hindi na ngayon. Handa na akong ipag-malaki ang talent ko at i-share ito. Pumayag na akong mag-promote ng record. Sayang nga naman yung mga panahon na pinabayaan ko," paliwanag niya bilang sagot sa maraming pagkakataon na makikita siyang magpi-perform sa mga malls.
Di lamang siya regular na nakikita sa Masayang Tanghali Bayan na kung saan ay happy siya sa mga kasama niya, mayron din siyang ginagawang movie sa Star Cinema na kung saan kasama niya sina Aga Muhlach at Sharon Cuneta.
"Yung naunsyami kong movie with Da King FPJ ay nagkaroon na rin ng kapalit. Thank God talaga!
"Gusto ko lang naman maalala ng lahat na aktres din ako. Para madagdagan ang kabuhayan.
"Si Aga, ang galing mambuska. Nung mag-guest ako sa Ok Fine Whatever, chubby talaga ako. Pinisil-pisil pa niya ang bilbil ko sa braso. So, I promised myself to go on diet at nasorpresa naman siya nang mag-shoot kami ng Kung Ako Na Lang Sana directed by Joey Reyes. Dusa talaga, di ako kumain ng rice pero, compensated naman dahil pinuri ako ni Aga."
Kakanta si Anna ng choice cuts from her album sa BMG Records Pilipinas, "Straight Ahead". Galing dito ang single niyang "Saan Ka Na Kaya Ngayon" na madalas niyang naririnig sa radyo. Ang iba pa niyang palabas ay ang Sangang Daan Festival, CCP, Hulyo 6; RJ Rosales Concert, Hard Rock Cafe, Hulyo 7; Lagi Kitang Mamahalin, CCP, Hulyo 11-12; Crossover Presents kasama si Basil Valdez, Mandarin Captains Bar, Hulyo 16.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended