Ang balita ay tumanggap si Aiai delas Alas ng P3M na bonus para sa Ang Tanging Ina at naibili ito ng komedyante ng isang sasakyan at house and lot. Nagtataka si Lorenzo kung magkano talaga ang bonus ni Aiai. May lumalabas na P10M at mayroon namang P2M. "Naguguluhan ako sa sitwasyon pero kung ipagpipilitan ng Star Cinema ang ibibigay na bonus ay kailangan doble ito sa natanggap ni Aiai na P3M daw. Tatanggapin namin kung P6M."
Samantala, ibinalik ngayon sa mga sinehan ang pelikulang ito ni Aiai kahit may ilang araw pang ipinapalabas ang mga pelikulang kalahok sa Manila Film Festival 2003. "Ilang fans ang nag-text sa amin na hindi kumikita ang re-run ng naturang movie at naniniwala sila na "prestige money" ang ginagawa ngayon ng Star Cinema para sabihing kumita talaga ang kinukuwestyong movie dahil ang totoo ay hindi nito nalampasan ng kinita ng Till There Was You nina Juday at Piolo. ALEX DATU