Pinay na naman ang singer na gumawa ng name sa US

Isa na namang Filipina singer ang unti-unting gumagawa ng pangalan sa Amerika at ito ay walang iba kundi si Sharon T (for Tanyag) na isang Cebuana na naka-base na ngayon sa Los Angeles, California.

Ang CD Maxi Single ni Sharon T. na pinamagatang "Awakening" under Odyssey Records ay pumasok sa Top 20 ng Tower Records magmula nang ito’y ma-release last May 2003. In two weeks’ time ay pumasok ang nasabing awitin sa No. 11 at sa unang linggo ng Hunyo ay umakyat ito sa No. 8. Nakipagsabayan ang CD single ni Sharon T. sa mga top sellers tulad ng "Intuition" ng Jewel, "American Life (Remix)" ni Madonna, "Through The Rain: ni Mariah Carey, "Picture" ng Kid Rock featuring Allison Moorer, "Rock Your Body" ni Justin Timberlake, "Angel" ni Amanda Perez, "What The World Needs Now" ng American Idol Season 2, "Don’t Wanna Try" ni Frankie J., "Solsbury Hill ng Erasure, "Walking On Thin Ice" ni Yoko Ono, "Stuck" ni Stacie Orrico, "In Da Club" by 50 Cent, "God Bless The USA" by American Idol 2, "Somnabulist" ng BT, "I Drove All Night" ni Celine Dion, "Satisfaction" ng Eve at ang "So Whassup" ni Jonell.

Si Sharon T. ay may personal trainer sa katauhan ni Jerry Sher at si Desi Jevon naman ang kanyang choreographer while Jojo Jereza ng Dreamline Artist Productions ay siyang tumatayo niyang manager.

Kapag may malalaking concerts sa L.A. ng mga Filipino performers na nagmumula ng Pilipinas, madalas ay naiimbitahan si Sharon T. para maging guest performer. Sa darating na July 19 ay magtatanghal si Sharon T. with the APO Hiking Society at Rachel Alejandro sa Orpheum Theater at katatapos lamang niyang mag-perform sa Rage Club nung June 20 at ngayong June 28 naman ay naroon siya sa The Highlands (Hollywood and Highland Mall, Kodak Theater).

Sharon T. was recently in town for a vacation. Bago bumalik ng Amerika ay nag-pictorial siya sa sikat na photographer na si Dominic James at impressed siya sa kinalabasan ng kanyang pictorial.
* * *
Parehong sold-out ang two-day concert nina Martin Nievera at Regine Velasquez sa Araneta Coliseum last May kaya nagkaroon ito ng extension last June 14. Pero apaw pa rin ang tao kaya napilitan ang Maxi media International na muling magkaroon ng panibagong extension ang concert na gaganapin sa darating na Hulyo 5.

Kung dinumog ang reunion concert ng estranged couple Martin at Pops Fernandez last February na nagkaroon din ng dalawang araw na extension, hindi rin nagpatalo ang tambalang Martin at Regine. Para namang pinagtiyap ng pagkakataon, ang July 5 extension ay magsisilbi ring anniversary celebration ni Martin who will be celebrating his 21st year in the business.

Kung successful ang team-up nina Martin at Regine sa concert, bakit kaya hindi pagsamahin ang dalawa sa pelikula lalupa’t proven na ang pagiging hit ng mga pelikula na si Regine ang kaparehang babae?

Bago ang July 5 repeat concert nina Martin at Regine sa Big Dome, magkakaroon muna ng concert ang dalawa sa Freedom Ring Amphitheater in Clark Field, Pampanga ngayong Sabado.
* * *
Email: <amoyo@pimsi.net>

Show comments