Personal kong pinanood ang magkakahiwalay na konsyerto ng mga mang-aawit na tampok sa palabas na ito at talaga namang hindi nila ako binigo. Hindi lamang ako nabusog sa magagandang musika, kinabagan pa ako sa katatawa sa kanila.
Tampok sa konsyerto sina Rico J. Puno na nakasama sa tatluhang konsyerto nina Hajji Alejandro at Rey Valera at nina Marco Sison at Nonoy Zuñiga. "Ako ang nag-revive ng mga career nila," ang pagyayabang ng hanggang ngayon ay tinatangkilik pa rin ng mga concert habitues na si Rico dahilan sa kanyang magagandang mga awitin at mga pagbibiro na nagbibigay kulay sa mga pisngi ng kanyang mga manonood dahilan sa kaberdehan ng pagpapatawa niya.
Hindi naman apektado sa mga ganitong "kayabangan" ang apat na mga kasamahang mang-aawit ni Rico dahilan sa kilala na nila ito at tanggap nila ang demand dito as a performer. Isa pa, secure sila sa katotohanan na maging sila man ay hindi pa rin kinukupasan ng panahon.
Muling sasariwain sa konsyerto ang mga sikat na awitin nung 70s hanggang 80s. "Kung may F4 ngayon, kami na ang F40," ani Rico.
Ayon naman kay Hajji, "Isang gabi para maalala mo kung nasaan ka, kung paano at kung ano ka dati... jolt your memory and bring a smile back."
Isa sa pinaka-tampok na bahagi ng pagtatanghal ay ang: "divos" portion, kung saan gagayahin nila ang Asias Songbird na si Regine Velasquez. Sabi ni Marco, "We will sing diva songs like "Dadalhin Kita" at "Pagdating ng Panahon".
Binanggit ni Nonoy na aawitin din nila ang mga kantang pinasikat ng mga kilalang boybands, "mala-F4 and The Hunks".
Ang concert director ay si Ding Bolaños, Mel Villena bilang musical director at Maribeth Bichara naman ang choreographer. Ang mga tiket ay nagkakahalaga ng P1200, P1000, P750, P600. P250 at P100 at mabibili sa Araneta Ticketnet, 9115555; SM Ticketnet o Viva Concerts, 6875853/6876181 loc. 715 o 620/6871125.
Speaking of TJ, magaling na itong host. Nagawa niyang maging komportable ang lahat sa kanyang mga pagbibiro at mga di halatang pananaray. Yes, po, marunong nang bumanat si TJ pero nagawa niya ito sa napaka-subtle na pamamaraan nang walang mababakas na panlalait sa kanyang tinig.
Bumaha rin ng pagkain at malalaking raffle prizes na ang grand prize ay P53, 000 cash na napanalunan ng kasamang Ces Evangelista. May mga nanalong male and female liveliest members of the press, stars for the night, videoke champion, early bird, most late and 53rd arrivals. Mayroon din kinuhang banda na nag-provide ng music sa walang sawang sayawan na naganap. Kahit, di ka marunong magsayaw, matututo ka sapagkat may mga male and female DIs na napaka-tyagang magturo kaya halos walang makikitang nakaupo sa mga silya, lahat nagsasayaw.
Literally, walang umuwing luhaan.
Tulad ko na malas sa raffle. Buti na lang makapal ang mukha kong (di pala makapal, I just wanted to have fun!) sumali sa mga pakontes na kahit natalo ako ay mayroon akong consolation prize na cash money. Pero, siguro kahit wala akong nakuhang anda, okay na, I had fun dancing which is one of my passions.
Ngayong Biyernes, mapapanood ang grandest GMA All-Star Concert bilang pinaka-finale ng selebrasyon ng kanilang ika 53 anibersaryo. Ipalalabas ito sa Araneta Coliseum at tatampukan ng lahat ng GMAs homegrown talents, brightest starts, musical artists, sexiest sirens, GMA Telebabad Stars, Stars of GMAs programs respected actors and cinemas veterans, drama kings and queens, comedians, program hosts, News and Current Affairs team.
Sa dami ng mga performers, kinakailangang hatiin ito sa dalawang bahagi, ang Part 1 ay mapapanood sa June 28, Sabado, at Part ll, sa June 29 Linggo,parehong l0:00 n.g.