Aiai was asked kung ano ang naging reaksyon niya sa comments ng ibang kasamahan sa industriya questioning her box-office appeal.
"I respect their opinion," kaswal na sabi lang ni Aiai. Bumuwelta ang bagong box-office queen when asked kung willing ba siyang makasama si Goma sa isang pelikula. "Hindi!" ang sagot nito. "Sana i-respect din nila ang opinyon ko," dagdag na pahayag nito.
Ang di alam ng marami, ang role na pinag-agawan nina Dina at Lorna ay unang ini-offer kay Kris Aquino. For some reasons ay hindi ito tinanggap ni Kris. Kaya napunta ito kay Lorna.
Kung ang feeling man ni Dina ay nasulot sa kanya ang isang project, tiyak na happy na rin siya lalot siya ang maituturing na isa sa mga bida sa pelikulang Moral Ngayon under Star Cinema. Makikipagtagisan siya ng husay sa mga equally-seasoned performers like Eula Valdez, Cherrie Pie Picache at Jean Garcia. Si Marilou Diaz-Abaya ang direktor ng movie.
Still on Lorna and Dina, naway hindi na humaba pa ang isyung ito ng sulutan. Both Lorna and Dina are two of the best actresses we have in the industry.
Aminado si Brian na kakaiba ang showbiz kumpara sa fashion world kung saan siya nagsimula. But he admits na nagi-enjoy siya sa kanyang bagong mundo.
"I will still remain a model," wika nito.