Hindi magkatulad ng konsepto ang dalawang programa. Habang ang MMK ay nagsasalaysay ng mga istorya mula sa mga liham na padala ng mga manonood ng programa, ang Magpakailanman ay mga true stories na nagbibigay ng inspirasyon sa mga manonood ng TV.
Last weeks episode, na sinasabing nagbigay ng sakit ng ulo sa kanyang kalabang programa ay nagtampok sa kasaysayan ng P1M grand prize winner ng Star For A Night na ngayon ay Search For A Star na at isa na ring programa ng GMA na si Sarah Geronimo.
Obviously, nakatakdang maging isang malaking pangalan sa larangan ng local showbiz si Sarah sapagkat sinusubaybayan ang kanyang career ngayon. Unti-unti ring lumalaki hindi lamang ang kanyang pangalan kundi maging ang kanyang popularidad. Malaking prueba ay ang mataas na ratings ng Magpakailanman nung linggong itampok ang kanyang istorya.
Naging malaking factor din ang pagkakasali ng mabilis ding sumisikat na singer ngayon na si Kyla na gumanap sa role ni Sarah. At para sa isang singer na walang balak mag-artista, sinabi ni Kyla na , "Di po kaya ng powers ko ang matagal na oras na kinakain sa taping at di ko magawang ibigay sa pag-arte ko ang 100% na concentration."
Di naman daw naging malayo ang agwat ng ratings ng dalawang programa, pero di na mapasusubalian ang kasikatan ngayon ng Magpakailanman at nina Kyla at Sarah na mga Kapuso ng GMA.
Gaya ng Pampangenyang si Rajah Montero, 18 taong gulang. Kung ang maraming sexy star ay kinakailangan pang magpa-augment, magpalaki ng boobs, hindi si Rajah na talagang napaka-laki ng "hinaharap". Dahil dito ang launching film niya ay pinamagatang Mama, Pakwan. Tindera ng pakwan ang character niya.
Katulad ng maraming bold stars, wala rin siyang limitasyon, hubad kung hubad.
Katwiran niya, walang mangyayari kung magpapa-kyeme siya.
May basbas ng magulang ang trabaho ni Rajah. Hindi man siya wholesome, natupad naman ang pangarap niyang maging artista.