"Four months ago nag-tape ako for Pira-Pirasong Pangarap. One week yun, tapos nabakante akong muli until ipatawag ako ni Direk Maryo J. (delos) Reyes for a part in this series.
"Marami kaming ginawang movie together, Gabon, Annie Batungbakal, Bongga Ka Day, Rock N Roll, yung Apat Na Maria at marami pang iba, hindi ko na matandaan.
"Marami rin akong ginawang movies with Tito Eddie Rodriguez. That was also the time, when he and my mom, di ba?
Noong kasikatan ni Lloyd marami ang nagsasabing may pagka-suplado siya, na namimili siya ng kakausapin, hows that?
"Hindi naman talaga ako makwento noon. Pero kapag naman may kumakausap sa akin, hindi naman ako yung tipong manghihiya ng tao. Kung gusto ko yung tao, I open up and we can talk the whole day, parang ganoon lang naman, not naman suplado. Hindi lang ako nasanay sa mga showbiz games or tricks, sa totoo lang ako lagi," sabi niya.