"Wala ni katiting na sama ng loob akong naramdaman," aniya sa presscon ng kanyang upcoming movie sa bakuran ng Viva Films, ang Masamang Ugat na tinatampukan nina Eddie Garcia, Ace Vergel, Mikey Arroyo at Victor Neri.
"Ang maraming award ng pelikula namin ay panalo ng lahat kaya masaya ako," pahayag niya.
"Sapat na siguro yung marami ang nakapansin sa ipinakita kong acting sa pelikula. At least, nalaman ng mga manonood na hindi lamang pagpapaseksi ang kaya kong gawin," dagdag pa niya.
Sa mga contract stars ng Viva Films, masasabi nating si Maui ang pinaka-busy. Ayon sa kanya, she works seven days a week although naisisingit pa rin naman umano niya ang kanyang lovelife. Hindi niya ikinakailang that shes seeing somebody na hindi taga-showbiz pero ayaw niyang i-reveal ang identity ng guy.
Ngayong palabas pa rin ang Ang Huling Birhen sa Lupa na inaasahang tataas ang ranking among the six official entries ng MFF dahil sa paghakot ng pelikula ng mga awards, isusunod naman ni Maui ang Solita na pagtatambalan nila nina Wendell Ramos at Victor Neri mula sa direksyon pa rin ni Joel Lamangan. Gagawin niya rin ang pelikulang Sex Balls na pagsasamahan naman nila nina Andrea del Rosario, Katya Santos, Joey De Leon at Anjo Yllana.
Although kabi-kabila ang ginagawang pelikula ni Maui, nakakapagi-guest pa rin siya sa ibat ibang programa sa telebisyon bukod pa sa kanyang regular program na Kool Ka Lang, Oo Naman, ganundin ang ibat ibang personal appearances at singing engagements.
Bakit kailangan pang tanggapin ni Eddie ang mga kontrabida roles samantalang nagbibida na siya sa pelikula?
"Kapag isa kang actor, kailangan mong gampanan ang papel na ibinibigay sa yo. After all, its only a job at hindi mo naman ito ginagawa sa tunay na buhay," paliwanag niya.
Bida man o kontrabida ang papel na ginagampanan ni Eddie ay ibinibigay niya ang kanyang best.
Si Eddie lamang ang kaisa-isang actor na nagawaran ng Hall of Fame ng FAMAS para sa tatlong kategorya Best Actor, Best Supporting Actor at Best Director.
Eddie has been in the business for 54 years at wala pa umano siyang balak na mag-retiro. He was twenty nang siyay magsimula sa showbiz. Hes 74 now.