^

PSN Showbiz

Maui, hindi naiinggit kay Ara

RATED A - Aster Amoyo -
Bago sumapit ang awards night ng Manila Film Festival noong nakaraang Huwebes, naging usap-usapan na malaki ang chance ng sexy star na si Maui Taylor na manalo. May mga intriga pa ngang lumabas na mas mahusay umano ang acting ni Maui kesa sa kabituin nitong si Ara Mina sa pelikulang Ang Huling Birhen sa Lupa na dinirek ng premyadong director na si Joel Lamangan. Although natuwa si Maui sa mga papuri, hindi niya gaanong inasahan na mananalo siya.

"Wala ni katiting na sama ng loob akong naramdaman," aniya sa presscon ng kanyang upcoming movie sa bakuran ng Viva Films, ang Masamang Ugat na tinatampukan nina Eddie Garcia, Ace Vergel, Mikey Arroyo at Victor Neri.

"Ang maraming award ng pelikula namin ay panalo ng lahat kaya masaya ako," pahayag niya.

"Sapat na siguro ‘yung marami ang nakapansin sa ipinakita kong acting sa pelikula. At least, nalaman ng mga manonood na hindi lamang pagpapaseksi ang kaya kong gawin," dagdag pa niya.

Sa mga contract stars ng Viva Films, masasabi nating si Maui ang pinaka-busy. Ayon sa kanya, she works seven days a week although naisisingit pa rin naman umano niya ang kanyang lovelife. Hindi niya ikinakailang that she’s seeing somebody na hindi taga-showbiz pero ayaw niyang i-reveal ang identity ng guy.

Ngayong palabas pa rin ang Ang Huling Birhen sa Lupa na inaasahang tataas ang ranking among the six official entries ng MFF dahil sa paghakot ng pelikula ng mga awards, isusunod naman ni Maui ang Solita na pagtatambalan nila nina Wendell Ramos at Victor Neri mula sa direksyon pa rin ni Joel Lamangan. Gagawin niya rin ang pelikulang Sex Balls na pagsasamahan naman nila nina Andrea del Rosario, Katya Santos, Joey De Leon at Anjo Yllana.

Although kabi-kabila ang ginagawang pelikula ni Maui, nakakapagi-guest pa rin siya sa iba’t ibang programa sa telebisyon bukod pa sa kanyang regular program na Kool Ka Lang, Oo Naman, ganundin ang iba’t ibang personal appearances at singing engagements.
* * *
Malaki ang lamang ng award-winning at veteran actor-director na si Eddie Garcia sa ibang mga actor. Pareho siyang tanggap bilang bida at kontrabida sa pelikula. Sa pelikulang Masamang Ugat, kontrabida na naman ang kanyang role at tiyak na kamumuhian siya rito.

Bakit kailangan pang tanggapin ni Eddie ang mga kontrabida roles samantalang nagbibida na siya sa pelikula?

"Kapag isa kang actor, kailangan mong gampanan ang papel na ibinibigay sa ‘yo. After all, it’s only a job at hindi mo naman ito ginagawa sa tunay na buhay," paliwanag niya.

Bida man o kontrabida ang papel na ginagampanan ni Eddie ay ibinibigay niya ang kanyang best.

Si Eddie lamang ang kaisa-isang actor na nagawaran ng Hall of Fame ng FAMAS para sa tatlong kategorya – Best Actor, Best Supporting Actor at Best Director.

Eddie has been in the business for 54 years at wala pa umano siyang balak na mag-retiro. He was twenty nang siya’y magsimula sa showbiz. He’s 74 now.
* * *
Isa na namang ispesyal na edisyon ang mapapanood ngayong gabi (June 23) sa Daboy en Dagirl na tinatampukan nina Rudy Fernandez, Rosanna Roces at Alma Moreno. Magiging ispesyal na panauhin ng programa sina Armida Siguion-Reyna at Princess Punzalan na magsisilbing kontrabida sa buhay ng mag-asawang Daboy at Girly (Rosanna) at ang pakialamera nilang kapitbahay na si Ness (Alma). Ang nasabing episode ay bahagi ng month-long celebration ng ika-53rd anniversary ng GMA 7.

ANG HULING BIRHEN

EDDIE

EDDIE GARCIA

JOEL LAMANGAN

MASAMANG UGAT

MAUI

NIYA

VICTOR NERI

VIVA FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with