Gabby, interesado sa panliligaw ni Lucky sa anak na si KC

Mabuti naman at maluwalhati akong nakabalik from the US na kung saan ay nag-ninong ako sa kasal ni Donita Rose. Incidentally, umuwi pala ang mga bagong kasal from their honeymoon in Hawaii para lamang personal na mapanood ang coverage ng GMA ng kanilang wedding na ipinalabas kagabi.

Isang linggo ang itatagal ng mag-asawa sa bansa at pagkatapos ay pupunta na sila ng Singapore. Doon sila maninirihan.

At kahit may asawa na si Donita, hindi siya pinagbabawalan ni Eric Villarama na tumigil sa paga-artista. Tuloy ang trabaho ni Donita pero siyempre hindi na katulad no’n na kabi-kabila. Mamimili na lang siya ngayon ng mga proyekto dahil priority niya ang magiging Mrs. Villarama.

Wala pang planong mag-anak ang dalawa dahil may isang commercial si Donita na nakasaad sa kontrata na hindi muna siya puwedeng manganak sa loob ng isang taon.
* * *
Sa States nga pala, nag-try akong makita o makausap ang ilang mga naging part ng That’s Entertainment pero, nabigo ako. Marami sa kanila ang nagpalit na ng tel. nos. Gaya ni Sheryl Cruz. Sayang marami sana akong maibabalita sa pag-uwi kong ito.

Ganoon pa man kahit paano may ilang balita pa rin akong nakuha.
* * *
Gabby Concepcion called me up. Nilinaw niya na di totoong malaki ang talent fee na hinihingi niya. Kaya nga gusto sana niya na kung may movie offer, dun na sa US mag-shoot. At dahil may regular job siya run, kinakailangang i-cover ng sino mang producer na kukuha sa kanya ang mawawalang kita niya habang sino-shoot ang movie.

Gabby said na madalas silang mag-usap ng kanyang anak kay Sharon Cuneta na si KC Concepcion via text messaging. Tinanong nga niya ako kung totoong nanliligaw si Luis Manzano kay KC. Kung siya raw ang masusunod, mas gusto niyang mag-aral na lamang ang kanyang anak kaysa mag-artista ito.

Sabi ko naman, nakikita ko sa anak niya na parang wala pa itong planong mag-boyfriend. Sa katunayan nga, ihahatid siya ni Sharon sa States para doon na mag-aral kaya malabo talaga itong mag-showbiz na siyang ipinagdarasal ni Gabby ngayon.
* * *
Nanghinayang ako nang di ko mapagbigyan ang imbitasyon ng isang Pinoy na nagma-manage ng Chinese Grauman Theater. He invited me to watch the premiere showing of Charlie’s Angels. Ipakikilala raw niya ako kina Drew (Barrymore), Cameron (Diaz) at Nancy (Liu). Kinailangan na kasi akong bumalik ng Pilipinas a day before the said event kaya, isang magandang opportunity ang pinalampas ko. Sabi nga ng anak kong si Freddie, sana idinelay ko na lang ang flight ko na hindi ko ginawa.
* * *
Marami na naman kaming bagong artists sa GMA. Ipinakilala sila via the launching of the new Click barkada nung Sabado sa GMA.

Tuloy, naalala ko na naman ang That’s... na hanggang ngayon ay hinihintay ko pa ring mai-revive sa GMA. Marami namang offers to do in other networks pero, talagang ayaw ko nang paiba-iba ng istasyon. If that’s loyalty, yun na nga yun. Kung hindi sa Seven, di na lang muna ako magdi-discover. Tutal, may mga tini-train naman ako sa Master Showman. Ilan sa kanila ay nagsisimula nang makilala ng publiko. Nakikita naman kasi ng tao ang potential nila. Kaya naman hangga’t nandito ako sa showbiz, ipagpapatuloy ko ang pagtulong sa mga kabataang may talento pero walang pagkakataong ipakita dahil hindi nila alam kung sino ang lalapitan.

Show comments