^

PSN Showbiz

Pulitiko commercial models na rin

KWENTONG SHOWBIZ - Ernie Pecho -
Pati mga pulitiko ngayon, naging mga commercial models na rin. Madalas tuloy silang makita sa TV at pati na sa naglalakihang mga billboard along EDSA.

Magkano kaya ang kanilang talent fee? O baka sila na mismo ang nagbayad para maagang mapansin ng mga tao. Isang paraan kasi ito para madagdagan ang kanilang mga ratings for the 2004 election.
* * *
Alam ba ninyong si Geleen Eugenio at hindi si Maribeth Bicharra ang unang choreographer ni Vilma Santos sa kanyang musical TV show na Vilma?

We will know more of Geleen as SOP pays tribute to the compleat pop dance diva, in celebration of her 25th year in showbiz.

Expect to see all the big stars Geleen has worked with sa mahigit na dalawang dekada niya as a leading choreographer. Dahil nga dancer ang may celebration sa SOP, lahat ng mga mainstay sa show, sasayaw at kakanta.
* * *
Isang bagong batch na naman ng mga potential stars ang ipakikilala sa Click ng GMA.

Narinig ko na lahat sila ay very promising, kaya’t excited na kaming ma-meet silang lahat ng personal.
* * *
Tinawag silang 5566 (five-five-six-six) dahil lima ang members ng leading na boyband sa Taiwan–at mabilis na sumisikat sa buong Asia–na mayroong anim na talents: Singing, dancing, acting, playing basketball, modeling at hosting.

Naging sensational agad ang kanilang TV show na My MVP Valentine sa Taiwan. Ngayon ay ipinapalabas na ito sa GMA 7. Kaya’t kilala na sa ating bansa sina Tony, Sam, Rio, Zax at Jason. Maging sa ibang bansa sa Asia ay naging mabilis ang pagsikat nila.

Lalo pa’t released na ang kanilang debut "1st Album" na inilabas sa ating bansa ng Universal Records. Isa na sa most requested songs on local airlanes ang carrier single na "I’m Sad". Ito’y siya ring theme song sa kanilang successful TV show na My MVP Valentine. Isa pang kanta sa album, "It Doesn’t Matter" ang kasama rin sa hit TV show.

Tiyak na lalo silang mamahalin ng mga Pinoy music lovers kapag napanood na ang magaganda nilang music videos. Sana patugtugin ito sa GMA network, para higit na maraming manood ng My MVP Valentine.

Ang gumaganap na bida sa My MVP Valentine ay si Tony Sum. Siya’y isang Piscean and can speak Mandarin, Taiwanese at Japanese. Maganda ang tinig ni Tony kaya’t madalas din siyang magsolo sa mga kanta sa album.

Si Zax naman ang kontrabida sa istorya. Virgo ang kanyang Zodiac sign. Marunong magsalita ng Mandarin, Fookien at English at very athletic na singer/TV host. Kasama si Jason, sila ay may sariling programa sa Taiwan na may title na Showbiz.

Maraming fans all over Asia si Jason, pinakabata sa grupo. He speaks Mandarin, Fookien and English. Siya ang dancer/singer/actor sa grupo.

Ang rapper na si Rio ay isang former actor na nadirek ng mga sikat na film sa Taiwan. Marunong siyang mag-Mandarin, Taiwanese, Hakka at English. Bukod sa pagkanta, mahusay siyang mag-basketball, Taekwondo at table tennis.

Si Sam naman ay dating isang soccer national star at top fashion model. Bukod sa My MVP Valentine, he hosts the show Strange Things in Taiwan.

BUKOD

FOOKIEN AND ENGLISH

GELEEN

GELEEN EUGENIO

ISA

ISANG

IT DOESN

MARIBETH BICHARRA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with