Matapos mapanood ang sexy star na si
Maui Taylor sa
Ang Huling Birhen sa Lupa na tinampukan nila nina
Ara Mina at
Jay Manalo, sasabak naman sa aksyon ang sexy star sa pelikulang
Masamang Ugat na pinagbibidahan nina
Ace Vergel, Eddie Garcia, Victor Neri at
Mike Arroyo mula sa pamamahala ni
Willy Milan sa ilalim ng
Viva Films.
Sa mga sexy stars na nakakontrata ngayon sa Viva, mukhang si Maui ang pinaka-busy. Bukod sa sunud-sunod nitong pelikula, regular rin siyang napapanood sa weekly sitcom at bagong reformat na
Kool Ka Lang, Oo Naman sa
GMA.
Habang patuloy na palabas ang
Ang Huling Birhen sa Lupa at ipapalabas naman sa July 16 ang
Masamang Ugat, sisimulan naman ni Maui sa Viva rin ang
Hot Balls na pagsasamahan nila nina
Andrea del Rosario, Katya Santos, Joey de Leon, Janno Gibbs at
Anjo Yllana.
Habang pinagtatalunan ng iba kung sino ang dapat na tanghaling box office queen, marami ang nagsasabi na si
Regine Velasquez ang karapat-dapat dahil sa pagiging consistent box office hit ng kanyang mga ginawang pelikula tulad ng
Wanted Perfect Mother with
Christopher de Leon, Dahil May Isang Ikaw, Kailangan Koy Ikaw, Pangako, Ikaw Lang, Ikaw Lamang, Hanggang Ngayon at itong kalahok ngayon sa ongoing
Manila Film Festival na
Pangarap Ko Ang Ibigin Ka na siyang nangunguna sa anim na opisyal na kalahok. At dahil sa pagiging consistent box office star ni Regine ay pinag-aagawan siya ng mga major actors para makapareha. Bukod sa pelikula, pawang sold-out at SRO rin ang mga concerts ni Regine hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.
Next movie na gagawin ni Regine ay ang balik-tambalan nila ni
Aga Muhlach at may plano ring pagsamahin sila ni
Ogie Alcacid.
Nagiging trendsetter ngayon ang
ABS-CBN sa pagbi-build-up ng mga love-teams. Marami-rami na rin silang napaputok na loveteam sa telebisyon na pagkatapos sa pelikula naman nila isinasabak. Sa telebisyon nagsimula ang loveteam nina
Judy Ann Santos at
Wowie de Guzman. Sa telebisyon din nagsimula sina
Claudine Barretto at ang yumaong si
Rico Yan, Jolina Magdangal at
Marvin Agustin, Jericho Rosales at
Kristine Hermosa, Heart Evangelista at
John Prats, and lately, ang team-up nina
John Lloyd Cruz at
Bea Alonzo. Ngayon ay bini-build-up din ang teamup nina Marvin Agustin at
Kaye Abad ganundin ang tambalan nina
Jodie Sta. Maria at
Patrick Garcia at maraming iba pa.
Matagal-tagal na ring hindi gumagawa ng pelikula ang action star na si
Ace Vergel kaya tiyak na matutuwa ang kanyang mga tagahanga dahil muli na naman nila matutunghayan ang award-winning actor sa
Masamang Ugat.
Magkaklase sa high school ang respective moms nina
Judy Ann Santos at
Piolo Pascual kaya magkaibigan hanggang ngayon ang mga ito.
Kung ang Mommy
Amy ni Piolo ang masusunod, mas gusto nito na si Juday ang makatuluyan ng kanyang anak dahil bukod sa kaibigan niya ang ina ni Juday, kilala niya ang pagiging mabait na anak ng young superstar. Pero siyempre, hindi puwedeng saklawan ng ina ni Piolo ang damdamin ng kanyang anak. Kung sino ang mapupusuan nito ay kailangan din niyang tanggapin. Ang importante, hanggang ngayon ay ispesyal na matatawag ang friendship nina Juday at Piolo kahit dumaan na sa maraming intriga ang kanilang pagkakaibigan.