Regine, di mapagbigyan ang imbitasyon ni Paolo
June 20, 2003 | 12:00am
Isang masayang RJ Rosales ang nakausap ko nang muli kaming magkita sa Dulcinea Tomas Morato para sa launching ng kanyang first single na "Tulad Nang Dati" Napakaaliwalas ng mukha nito at sa pintuan palang ay kitang-kita mo na ang excitement sa kanyang mukha. Ayaw na raw niyang isipin pa ang mga negatibong bagay.
"Its time for me to move on. And now that finally I have my own single, I hope people will like the song," imporma niya.
Nais maabot ni RJ ang puso ng masang Pinoy kung kaya ang kanyang first single ay hudyat na rin ng pagbabagong bihis sa kanyang singing career.
Hindi malayong matupad ito sa tulong nila Moy Ortiz at Edith Gallardo na siyang sumulat ng kanta para kay RJ. Sila rin ang sumulat ng kantang "Pagdating ng Panahon" ni Aiza Seguerra at "Kaya Pala" ni Pops Fernandez na parehong nag-hit sa masa.
Kasama ni RJ ang buo niyang pamilya sa pagpo-produce ng kanyang single dahil nagdesisyon na siyang maging freelancer ngayong matatapos na ang kanyang contract sa ABS-CBN sa susunod na buwan.
"Because I dont have enough money and I am not rich, I asked my family to help me to produce this single. My mom, my dad, my sister and even my uncle. And Im thankful because they are very supportive of me," kwento ni RJ.
In line sa bagong single ni RJ, magkakaroon ito ng concert na pinamagatang Revealed & Justified-A Nite With RJ Rosales sa Hard Rock Cafe sa July 14 at 28. Special guest si Anna Fegi. Makiki-jamming sa kanya si Nyoy Volante at ang back-up group nitong Mannos.
Ang greatest passion pala ng international singer na si Paolo Montalban ay acting. Kaya niya dinispatsya ang dati niyang agent dahil hindi na nasundan ang pelikulang American Adobo na three years ago pa niyang ginawa.
During his college days ay madalas siyang kasali sa lahat ng mga play sa kanilang school. Graduate siya ng Psychology kaya raw he loves people. Favorite actor niya si Densel Washington. After niyang mag-promote ng kanyang album na "Paolo Montalban" under Vicor Music Inc. ay muli siyang lilipad papuntang US para asikasuhin ang kanyang acting career doon. Kasama siya sa pelikulang The Great Raid kung saan kasama rin si Cesar Montano.
Pero katulad ng acting, love rin niya ang singing. "Because when you sing youre also expressing yourself."
Nagsimula siyang kumanta at the age of five. Sumasama siyang magsimba sa kanyang mother every Sunday. At gustung-gusto raw niyang sumasabay sa congregational singing. At ang kanyang father ay isang concert pianist. At ang isa niyang auntie ay mahusay tumugtog ng violin.
Samantala, naitanong ko kung type niya ba si Regine Velasquez? "I dont know. How can you like someone you dont know personally? But Ive been asking her for lunch but that lady is too busy. I really want to make friends with her but her schedule is too tight," imporma niya.
At ano ang type niya sa isang babae?
"I like someone whom I can be myself, who can make me laugh and a lady whos smart," dagdag pa nito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended