Suspensyon sa MTB, pakana ng Eat Bulaga?

Marami ang pinabilib nina Onemig Bondoc at Ciara Sotto sa magandang performance nila sa Buttercup. Revelation ang dalawa dahil halos lahat nang nakapanood ng episode last Saturday ay bukambibig ang pangalan nila.

Pansin ng lahat ang galing ni Uno bilang Wilson sa nasabing program. Very convincing ang acting niya bilang isang closet gay. Habang tumatagal ay pansin naming bagay siya sa nasabing role. Minsan tuloy ay masyado nang pinepersonal ng mga fans kaya’t napagdududahan pati pagkalalaki niya. Isang patunay ito na talagang Onemig has greatly improved as far as his acting is concerned.

Nagustuhan ng viewers ang pagiging kikay at trying hard character ni Ciara as Sheryl. Sabi nga, one cannot imagine na pwedeng mag-all out si Ciara sa isang kikay role given to her.
* * *
Hindi napigilan ng Kay Tagal Kang Hinintay televiewers ang kiligin sa magagandang eksena nina John Lloyd at Bea Alonzo. Halos maghiyawan ang sumusubaybay sa soap sa sobrang kilig ng eksena. Bukod sa nakaka-in love na batuhan ng mga linya, sobrang ganda ng rehistro at chemistry nina Bea at John Lloyd. Last Monday ay pigil ang inaasahang first kissing scene nilang dalawa sa said soap.

Speaking of John Lloyd, magsi-celebrate siya ng kanyang 20th birthday on June 24. Sa ASAP Mania this Sunday magkakaroon ng big celebration ang batang aktor at siguradong marami ang surprise guests ang personal na babati sa aktor. Isa na marahil ito sa pinakamasayang birthday ng aktor sa success na tinatamo niya ngayon. In fact, last Sunday ay inere rin ang TVC ng first endorsement ni John Lloyd, ang Silka Whitening soap.

Sa kabila ng tagumpay ni John Lloyd, nananatili pa rin ang pagiging humble niya. Kaya tuloy lalong maraming offers ang dumating sa kanya. Sabi nga ng karamihan sa nakakatrabaho ni John Lloyd, isa si John Lloyd sa mga artistang hindi kinakitaan ng pagbabago at pagyabang.
* * *
Nakatunog na ang mga taga-Masayang Tanghali Bayan na may concerted effort para sirain ang magandang vierwership nila. Kasi naman, the smear campaign came at the time na talagang humahataw na sa rating ang nasabing noontime show. Suddenly, umuulan ng mga hate mails sa nasabing programa. Kami man ay inuulan din ng e-mails senders sa kanilang letters. Pero ang nakakatuwa, mas marami ang natutuwa sa laman ng aming kolum. Ako bilang writer, natutuwa ako sa mga e-mails appreciating my efforts to feature their favorite stars.

Going back to MTB, there was really an attempt na tuluyang sirain ang programa para hindi nito ma-dislodge ang katapat na programang Eat Bulaga.

Deliberate man ang motibo o hindi, ginagawa pa rin ng management ng ABS-CBN ang kanilang part. Binigyan nila ng one week suspension ang host na sina Willie Revillame at Jhon Estrada na malugod na tinanggap ng dalawang hosts.

Willie had the chance na makapag-advance taping para sa kanyang Willingly Yours samantalang si John naman ay nagkaroon ng pagkakataong na mabisita ang kanyang mga kamag-anak sa Basilan.

In the absence of John and Willie, sina Edu Manzano at Dagul ang nag-take over. Pero syempre, para sa akin hindi pa rin kumpleteo ang programa kapag wala sina John at Willie.

No’ng Tuesday ay nagkaroon ng error a textmania ng ABS-CBN Talent Center. It Should be TLENT<space> <your message> and send to 2366. Ilan sa mga text messages na tinatanggap namin ay tungkol kina Claudine Baretto at Piolo Pascual. Ano daw ba ang kasalanann ng dalawa para sila tirahin ng husto ng kampo ni Judy Ann Santos? Ayon sa kanila, Claudine and Piolo are just doing their jobs as talents. Tanong din nila kung ano ang ginagawa ng management ng ABS-CBN para protektahan ang dalawa sa mga paninira.
* * *
For your comments and reactions, you can email me at ericjhonsalut@yahoo.com.

Show comments