Isa rin siyang taekwondo expert, champion target shooter na sinanay nina Jethro Ramirez at Boy Asu, painter (oil ang medium niya at nagkaroon na siya ng mga exhibit sa Herritage Art Gallery at Manila Hotel last year), composer at singer.
Ang pagiging singer niya ang bibigyan ng focus sa Hunyo 26, 8:30 n.g. sa Alegria Lounge ng Manila Pavilion sa isang concert na pinamagatang The Other Side of Kaye. Kakanta siya ng mga awitin nina Karen Carpenter at Jennifer Lopez at mga OPM hits. Makakasama niya ang tatlo niyang mga kaibigang singers, sina Rannie Raymundo, Lloyd Umali at Nonoy Zuñiga. The Power Image Dancers at si Gerry Matias and His Orchestra.
"Abangan nyo ang mga JLo numbers ko at ang pagpapalit ko ng mga gowns (na gagawin para sa kanya ng Dressy). Im sure magugulat kayo," pangako ng napaka-sympathetic person who is ever willing and ready to listen to your woes bagaman at ang panlabas niyang anyo ay nagpapakita ng isang cold and numb as steel person.
Bagaman at parehong malaki ang kita ng dalawang pelikula, may nagsasabi na kaya lumaki raw ang kita ng Pangarap ay dahilan sa pati kita ng mga sinehan sa labas ng Maynila ay isinama sa kinita nito sa MFF.
Sa akin naman, ang mahalaga, pareho itong kumita. At sana kumita rin ang apat pang naging kalahok sa MFF.
Imbitado rin sa kasal sina Cong. Jules Ledesma at Assunta de Rossi. Nagpa-reserba na sila ng suite sa Bacara na nagkakahalaga ng US$950 pero, hindi sila tumuloy. Dahilan kaya ito sa taga-ABS CBN si Assunta at ang may rights sa wedding ay ang GMA7?
Mga imbitado pero di nakarating:
Si Mother Lily Monteverde na makakasama sana ng Production Designer na si Tatus Aldana. Naospital ito sa Asian Hospital dahilan sa isang pabalik-balik na back injury.
Birthday naman ng biyenan ni Rio Diaz, na si Danding Cojuangco kaya di ito nakapunta.
Ipinadala naman ni Jaime Augusto de Zobel de Ayala si Vicky Garchitorena para maging representative niya.
Business ang naging dahilan ng mag-asawang Ricco Ocampo at Tina Maristela sa hindi nila pagdating pero nagbigay sila ng dinner para kay Donita bago ito umalis.
Dalawang buwan bago ang kasal, nagpasabi na ang local MVP boss na si Manny Pangilinan na di siya makakarating.
Puno na ang Bacara kaya sa Radisson nagpa-reserba si Yilmaz Bektas pero, di rin siya nakasipot dahil sa negosyo.
Wala rin ang dapat sanang bridesmaid na si KC Concepcion. Tumawag ito at nagpasabi na abala siya sa paghahanda sa kanyang pagpunta sa USA para mag-aral.
Nasa Hongkong naman ang isa pa rin sanang ninong na si Rev. Bishop Eddie Villanueva dahil sa JIL anniversary.
Ang Kaleidoscope ng California ang nag-provide ng flowers.
Nataranta ang catering manager na si Jackie Campeau ng Bacara at wedding planner na si Deborah Simon dahil di sila sanay sa istilo ng Pinoy sa pagpapakasal.
Sa Maui, Hawaii nag-honeymoon ang bagong kasal.
Sa pag-uwi nagkasabay sa eroplano sina Gary Valenciano at Martin Nievera na kakanta rin sana sa kasal pero may nauna na itong commitment sa Las Vegas.
Kinailangan ang tatlong tao para isara ang corsettte-like gown ni Donita na ginawa ni Ino Sotto. Muntik pang malimutan ang pettycoat.
Gumawa ng isang special video ang GMA bilang regalo sa ikinasal. si Eric naman ang gumawa ng special video na mag-iintro ng video ng GMA.
Si Gary V ang naging music director sa wedding. Nagustuhan ni Donita ang ginawa niyang music entrance para sa kasal nina Anthony at Maricel kaya hiniling niya na magamit din ito.
Natawa ang mga nasa wedding nang mabitawan ni Donita ang mga singsing na nasalo naman ni Eric.