Jao, nailigtas ni Jake sa isang aksidente

Pinasyalan namin ang location site ng Hawak Ko Ang Langit sa may Palocpoc 1, Mendez, Cavite. May kalayuan din ang lugar, but it’s right after Tagaytay City. This soap opera is produced by Mark Gustilo for TAPE Inc., sa direksyon ni Gina Alajar.

It stars Assunta de Rossi, Jomari Yllana, Jao Mapa, Jeffrey Quizon, Jake Roxas, Sarah Abad, Jovie Barretto at Estrella Kuenzler. Kasama rin dapat dito si Rustom Padilla and in fact, nakapag-taping na siya ng ilang eksena nang mag-decide siyang umalis papuntang States.

Ang seryeng ito ay dapat naka-schedule for airing right after the noontime show Eat Bulaga. Pero na-extend naman up to 2 pm ang show, kaya nawala yung allocated thirty minutes para sa serye. Hinahanapan pa nila ito ngayon ng solusyon, ayon kay Mark.

We remember, nabalita noon yung isang insidente kung saan ay kamuntik nang masunog si Jao sa isang eksena. May sinunog silang kubo na supposedly ay pinag-iwanan nila kay Assunta after they abducted her.

Pinalalaki nila yung apoy nang biglang mahagip yung lata ng gasolinang ginagamit nila. Pasilip pa sana si Jao sa bintana nang biglang sumabog ang gas, mabuti na lang at mabilis siyang nahila ni Jake na kaeksena niya, palayo sa kubo.

Walang patid ang pasasalamat ni Jao kay Jake dahil hindi ito nasiraan ng loob na iligtas siya kundi, malamang nasunog na siya. Nataranta lahat ng cast and crew, pati sina Direk Gina at Tita Vera Isberto (manager ni Jao) na nagkataong dumalaw sa set that time. Pasalamat na lang sila’t walang napinsala sa hindi inaasahang insidente. (Ulat ni Ben Dela Cruz)

Show comments