Vanessa, magbabakasyon dito, pero wala nang balak mag-showbiz muli
June 18, 2003 | 12:00am
Sa nakaraang USA trip ko, marami akong nakasalamuhang Pinoy celebrities na naka-base na sa ibat ibang parte ng America. Nariyan sina G Toengi, Bunny Paras, Paco Arespacochaga, Joey Mead, Cher Calvin, Divina Valencia at Vanessa del Bianco. Naka-base na si Vanessa sa Los Angeles kung saan nag-aaral ito at nagmu-model din for fashion shows. In fact, yung shampoo commercial niya na napapanood natin dito ay ini-ere rin sa television sa States. Kasama ko sina Freddie Bautista at Anne Santos ng Masayang Tanghali Bayan na nakatsikahan si Vanessa sa isang hotel sa Sunset Boulevard sa Los Angeles.
Ayon kay Vanessa, mas gusto niyang sa Los Angeles na mag-concentrate dahil mas malaki ang opportunities doon. Masipag siyang uma-attend ng audition sa Hollywood. Optimistic siya na eventually ay magpi-pay off ang lahat ng paghihirap niya.
Inamin ni Vanessa na nami-miss niya ang Pilipinas. Ang mga kaibigan niya at mga nakatrabaho during her stay sa bansa. Pero hindi raw mababayaran ang peace of mind na na-achieve niya nang mag-quit siya sa showbiz.
Hindi namin pinag-usapan si John Estrada pero ang alam ko, in touch silang dalawa. In fact, at the time na katsikahan namin si Vanessa ay may tumawag sa kanya at suspetsa ko, si John yun.
She has plans of visiting the country in December para magbakasyon. Wala na talagang planong magbalik-showbiz si Vanessa.
Ibang-ibang Claudine Barretto ang napapanood ko sa Buttercup. Mas daring siya. Walang qualms sa kissing scene at mas nagagawa niya ang mga hindi niya nagagawa noon sa kanyang mga soap opera.
Napatunayan ni Camille Prats ang suporta sa kanya ng ABS-CBN noong mag-celebrate siya ng kanyang 18th birthday sa ASAP Mania noong Sunday. All-out ang ipinakitang suporta ng buong Talent Center family kay Camille. Halos 30 artists ng Talent Center ay present para bumati kay Camille.
Biggest surprise kay Camille ay ang pagdating ng kanyang special friend na si Francis Ricafort. Bumati rin ang kanyang butihing ama na si Dondi Prats.
For your comments and reactions, you can email me at [email protected].
Ayon kay Vanessa, mas gusto niyang sa Los Angeles na mag-concentrate dahil mas malaki ang opportunities doon. Masipag siyang uma-attend ng audition sa Hollywood. Optimistic siya na eventually ay magpi-pay off ang lahat ng paghihirap niya.
Inamin ni Vanessa na nami-miss niya ang Pilipinas. Ang mga kaibigan niya at mga nakatrabaho during her stay sa bansa. Pero hindi raw mababayaran ang peace of mind na na-achieve niya nang mag-quit siya sa showbiz.
Hindi namin pinag-usapan si John Estrada pero ang alam ko, in touch silang dalawa. In fact, at the time na katsikahan namin si Vanessa ay may tumawag sa kanya at suspetsa ko, si John yun.
She has plans of visiting the country in December para magbakasyon. Wala na talagang planong magbalik-showbiz si Vanessa.
Biggest surprise kay Camille ay ang pagdating ng kanyang special friend na si Francis Ricafort. Bumati rin ang kanyang butihing ama na si Dondi Prats.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended