Nanghihinayang kami sa young actress na si
Dimples Romana dahil kung kelan gumaganda ang takbo ng kanyang career ay saka naman ito nagbuntis at saka nag-asawa.
Si Dimples ay isa sa mga kalahok sa teleseryeng
Kay Tagal Kang Hinintay na gumaganap siya na best-friend ni
John Lloyd Cruz na may itinatagong pagmamahal sa kababata. Ka love-triangle bale siya ni
Bea Alonzo.
Dimples turned 18 last November at pwede rin sana siyang sumali sa beauty contest dahil sa kanyang angking ganda at height. Pero maaga siyang na-in love.
Isang reliable source ang nagbalita sa amin na nagpakasal na umano si Dimples sa kanyang non-showbiz boyfriend na nagngangalang
Boyet Ahmie na nangyari sa isang simbahan sa Parañaque last Saturday, June 14.
Ngayong may asawa at buntis na si Dimples, paano na lang ang kanyang character sa
Kay Tagal Kang Hinintay? Halos natitiyak na naming papatayin na lamang ang kanyang role sa nasabing teleserye dahil tiyak na lalaki ang kanyang tiyan. Maliban na lamang kung iibahin ang istorya.
May mga nagtatanong kung anong klaseng ama kaya itong si
DJ Mo (o
Mo Twister)? Hindi na nga raw siya nagbibigay ng sustento sa kanyang love child sa dating aktres na si
Bunny Paras (nakababatang kapatid ni
Sharmaine Arnaiz), hindi man lamang daw siya gumagawa ng effort na makipagkita sa bata kahit nasa Los Angeles lang siya kung saan din naroon ang mag-inang Bunny at
Moira.
Ang balita namin, sa L.A. ngayon naka-base si DJ Mo kasama ang kanyang live-in girlfriend na si
Jeanette McBride, dating build-up star ng
ABS-CBN Talent Center.
Nakahanap ng alternatibong trabaho ang mga action stars liban sa paggawa ng pelikula sa pamamagitan ng telebisyon. Liban sa action king na si
Fernando Poe, Jr., karamihan sa mga action stars ay may regular na programa sa telebisyon at ang mga ito ay sina
Rudy Daboy Fernandez (Daboy en da Girl), Ramon Bong Revilla, Jr. (Idol Ko Si Kap), Robin Padilla (Bastat Kasama Kita), Cesar Montano (Bida si Mister, Bida si Misis), Ian Veneracion (Darating ang Umaga), Raymart Santiago (Kool Ka Lang, Oo Naman! at
Narito Ang Puso Ko) at
Eddie Garcia (Narito Ang Puso Ko) at iba pa. Si
Phillip Salvador ay nagkaroon dati ng kanyang sariling action-drama program sa
GMA ang
Verano pero matagal na itong nawala sa ere.
Nawala man si
Amy Perez sa programang
MTB, muli naman itong nakahanap ng bagong career nang isama siya sa teleseryeng
Habang Kapiling Ka ng
GMA 7.
Single parent ang tayo ngayon ni Amy sa kanilang kaisa-isang anak ng kanyang estranged na si
Brix Ferraris. Matagal na ring walang balita si Amy sa kanyang dating mister kaya mag-isa niyang iginagapang ang kanyang anak.
Seven years ago nang unang magtambal sina
Rudy Fernandez at
Maricel Soriano sa pelikulang
Nagkataon, Nagkatagpo. Muling magtatambal ang dalawa sa isang action-romance-comedy movie na ipu-produce ng
Maverick Films.
Kababalik lang ni Maria galing Amerika kung saan niya dinalaw ang kanyang panganay na anak na si
Marron na nag-aaral sa isang military school. Si Maria na rin mismo ang nagkuwento na may American girlfriend na ang kanyang anak habang ang kanyang bunso na si
Tien-Tien ay nasa elementarya sa Ateneo.
Personal: Aming tinatawagan ang lahat ng mga naging bahagi ng
OctoArts International mula 1978 hanggang sa kasalukuyan empleyado man o artist (singers and actors). Magkakaroon ng grand reunion sa darating na Sabado (June 21), 11:00 a.m.-5:00 p.m. na gaganapin sa Virgin CaféTomas Morato in Quezon City. For inquiries, mangyari lamang tumawag kina
Susan Katindig sa 3738761,
Genie Guerit (sa 687-4973 at kay
Jenny Zagala sa 0916-5915904.
E-mail me at: <a_amoyo@pimsi.net>