Kahit walang pelikula, may trabaho ang mga action stars
June 18, 2003 | 12:00am
Nanghihinayang kami sa young actress na si Dimples Romana dahil kung kelan gumaganda ang takbo ng kanyang career ay saka naman ito nagbuntis at saka nag-asawa.
Si Dimples ay isa sa mga kalahok sa teleseryeng Kay Tagal Kang Hinintay na gumaganap siya na best-friend ni John Lloyd Cruz na may itinatagong pagmamahal sa kababata. Ka love-triangle bale siya ni Bea Alonzo.
Dimples turned 18 last November at pwede rin sana siyang sumali sa beauty contest dahil sa kanyang angking ganda at height. Pero maaga siyang na-in love.
Isang reliable source ang nagbalita sa amin na nagpakasal na umano si Dimples sa kanyang non-showbiz boyfriend na nagngangalang Boyet Ahmie na nangyari sa isang simbahan sa Parañaque last Saturday, June 14.
Ngayong may asawa at buntis na si Dimples, paano na lang ang kanyang character sa Kay Tagal Kang Hinintay? Halos natitiyak na naming papatayin na lamang ang kanyang role sa nasabing teleserye dahil tiyak na lalaki ang kanyang tiyan. Maliban na lamang kung iibahin ang istorya.
May mga nagtatanong kung anong klaseng ama kaya itong si DJ Mo (o Mo Twister)? Hindi na nga raw siya nagbibigay ng sustento sa kanyang love child sa dating aktres na si Bunny Paras (nakababatang kapatid ni Sharmaine Arnaiz), hindi man lamang daw siya gumagawa ng effort na makipagkita sa bata kahit nasa Los Angeles lang siya kung saan din naroon ang mag-inang Bunny at Moira.
Ang balita namin, sa L.A. ngayon naka-base si DJ Mo kasama ang kanyang live-in girlfriend na si Jeanette McBride, dating build-up star ng ABS-CBN Talent Center.
Nakahanap ng alternatibong trabaho ang mga action stars liban sa paggawa ng pelikula sa pamamagitan ng telebisyon. Liban sa action king na si Fernando Poe, Jr., karamihan sa mga action stars ay may regular na programa sa telebisyon at ang mga ito ay sina Rudy Daboy Fernandez (Daboy en da Girl), Ramon Bong Revilla, Jr. (Idol Ko Si Kap), Robin Padilla (Bastat Kasama Kita), Cesar Montano (Bida si Mister, Bida si Misis), Ian Veneracion (Darating ang Umaga), Raymart Santiago (Kool Ka Lang, Oo Naman! at Narito Ang Puso Ko) at Eddie Garcia (Narito Ang Puso Ko) at iba pa. Si Phillip Salvador ay nagkaroon dati ng kanyang sariling action-drama program sa GMA ang Verano pero matagal na itong nawala sa ere.
Nawala man si Amy Perez sa programang MTB, muli naman itong nakahanap ng bagong career nang isama siya sa teleseryeng Habang Kapiling Ka ng GMA 7.
Single parent ang tayo ngayon ni Amy sa kanilang kaisa-isang anak ng kanyang estranged na si Brix Ferraris. Matagal na ring walang balita si Amy sa kanyang dating mister kaya mag-isa niyang iginagapang ang kanyang anak.
Seven years ago nang unang magtambal sina Rudy Fernandez at Maricel Soriano sa pelikulang Nagkataon, Nagkatagpo. Muling magtatambal ang dalawa sa isang action-romance-comedy movie na ipu-produce ng Maverick Films.
Kababalik lang ni Maria galing Amerika kung saan niya dinalaw ang kanyang panganay na anak na si Marron na nag-aaral sa isang military school. Si Maria na rin mismo ang nagkuwento na may American girlfriend na ang kanyang anak habang ang kanyang bunso na si Tien-Tien ay nasa elementarya sa Ateneo.
Personal: Aming tinatawagan ang lahat ng mga naging bahagi ng OctoArts International mula 1978 hanggang sa kasalukuyan empleyado man o artist (singers and actors). Magkakaroon ng grand reunion sa darating na Sabado (June 21), 11:00 a.m.-5:00 p.m. na gaganapin sa Virgin CaféTomas Morato in Quezon City. For inquiries, mangyari lamang tumawag kina Susan Katindig sa 3738761, Genie Guerit (sa 687-4973 at kay Jenny Zagala sa 0916-5915904.
E-mail me at: <[email protected]>
Si Dimples ay isa sa mga kalahok sa teleseryeng Kay Tagal Kang Hinintay na gumaganap siya na best-friend ni John Lloyd Cruz na may itinatagong pagmamahal sa kababata. Ka love-triangle bale siya ni Bea Alonzo.
Dimples turned 18 last November at pwede rin sana siyang sumali sa beauty contest dahil sa kanyang angking ganda at height. Pero maaga siyang na-in love.
Isang reliable source ang nagbalita sa amin na nagpakasal na umano si Dimples sa kanyang non-showbiz boyfriend na nagngangalang Boyet Ahmie na nangyari sa isang simbahan sa Parañaque last Saturday, June 14.
Ngayong may asawa at buntis na si Dimples, paano na lang ang kanyang character sa Kay Tagal Kang Hinintay? Halos natitiyak na naming papatayin na lamang ang kanyang role sa nasabing teleserye dahil tiyak na lalaki ang kanyang tiyan. Maliban na lamang kung iibahin ang istorya.
Ang balita namin, sa L.A. ngayon naka-base si DJ Mo kasama ang kanyang live-in girlfriend na si Jeanette McBride, dating build-up star ng ABS-CBN Talent Center.
Single parent ang tayo ngayon ni Amy sa kanilang kaisa-isang anak ng kanyang estranged na si Brix Ferraris. Matagal na ring walang balita si Amy sa kanyang dating mister kaya mag-isa niyang iginagapang ang kanyang anak.
Kababalik lang ni Maria galing Amerika kung saan niya dinalaw ang kanyang panganay na anak na si Marron na nag-aaral sa isang military school. Si Maria na rin mismo ang nagkuwento na may American girlfriend na ang kanyang anak habang ang kanyang bunso na si Tien-Tien ay nasa elementarya sa Ateneo.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am