Maraming pinabilib si
Jacky Woo sa kanyang papel na ginampanan sa
Alab ng Lahi. Katunayan ay may nagsasabing pwede rin siyang manalo sa Best Actor o Best Supporting Actor category. Tuwang-tuwa ito nang malamang kasali sa
Fukouka Film Festival ang kanilang pelikula.
Kasalukuyang nasa Japan ang international actor at babalik uli ito ng bansa para dumalo sa
MFF Awards Night. Kundi man siya manalo ay masaya na rin ito kahit sino ang makatanggap ng award gaya ni
Robin Padilla na strong contender para sa Best Actor at si
Direk Bebong Osorio (Best Director) at para sa Best Picture naman ang
Alab ng Lahi.
Alab Ng Lahi, Sali Sa Fukouka Film Festival |
Isang karangalan sa ating movie industry ang mapabilang at makasali sa darating na
Fukouka Film Festival ang pelikulang
Alab ng Lahi na tinatampukan nina
Robin Padilla at
Jacky Woo. Ito ang entry ng
RCP Films International sa
Manila Film Festival na nabigyan ng
Cinema Evaluation Board ng B rating. Dahill sa napapanahon ang pelikula ay nabigyan din ito ng higit na pagpapahalaga ng Department of Education kung saan ini-endorso nila ang magandang pelikula sa mga mag-aaral mula sa grade school hanggang sa kolehiyo.
Ang
Fukuoka International Film Festival ay idaraos sa Japan ngayong Setyembre. Malamang na dumalo doon sina Robin at Jacky.
Mayor Malonzo, Ayaw Muna Ng Historical Movies |
Parang ayaw nang ituloy ni
Mayor Rey Malonzo ang paggawa ng mga historical movies gaya ng
The Andres Bonifacio Story at sa halip ay gusto nitong mag-concentrate sa mga action projects. Malamang gumawa ito ng pelikula na ala-
Jey Lee ang dating kung saan muli niyang maipapakita ang kahusayan sa martial arts.
Magkakaroon ng formal launching ang
Metro Manila Film Festival sa darating na Hunyo 21, 2003 sa Tecktite Bldg. Auditorium sa Pasig City. Magiging abala ang executive committee sa pangunguna nina
MMDA Chairman Bayani Fernando as over-all Chairman Mayor Rey Malonzo Vice-over-all Chairman at
GM Robert Nacienceno.
Inaasahang magiging makulay ang pagdiriwang sa pagdalo ng mg panauhing pandangal na magmumula sa showbiz at mga Metro Manila Mayors.
Ang
Metro Manila Film Festival ay makasaysayang pagdiriwang ng taunang
Pista ng Pelikulang Pilipino. Ayon kay Mayor Malonzo, bagamat nagkakaroon ng kontrobersya sa bawat taon na ginaganap ang
MMFF itoy hindi sinasadya ng sinuman, bahagi lamang ito ng demokrasyang ating pinaiiral at dala marahil na rin ng ating pagka-sensitibo bilang mga alagad ng sining.