Di rin niya kinakailangang mag-bold para kumita. "May naiipon na ako mula sa pagtatrabaho ko sa Japan. At contrary to what many people believe, di bastos ang mga Hapon. Oo, hinahawakan nila ang mga kamay ko pero, hanggang dun lang sila. Kung ayaw ko naman, hindi nila ako pipilitin. Hindi ako nagpaka-cheap dun, noh!
"Di rin ako for sale. Di ko ipinagbibili ang sarili ko sa kahit na anong halaga. Kaya kong buhayin ang pamilya ko sa mabuting paraan!"
Nineteen years old na si Jeannette pero di pa nagkaka-boyfriend?!
"Ayaw nyong maniwala? Totoo, marami akong manliligaw pero wala pa akong naging boyfriend. Hindi pa ako nagkakarelasyon pero, may commitment ako, sa aking pamilya.
"Ipinangako ko sa kanila na giginhawa ang aming buhay at naniniwala naman sila na tutuparin ko ito, sa mabuting pamamaraan, walang kalokohan.
"Maraming nag-aakala na porke mga bold stars kami, nabibili na kami, cheap pero, hindi ako. Totoo, nagpi-flirt ako pero hanggang dun lang ako, never kong ibinigay ang virginity ko. Di ibig sabihin walang nag-try na kunin ito pero, di sila pumwede sa akin. May prinsipyo ako," sabi ng isa sa tatlong bida sa Tumitibok, Kumikirot ng ATB 4 Films, Inc. Ang dalawa pa ay sina Trina Shields at Millet Abalos. Kasama nila sina Allen Dizon, Mon Confiado at Michael Gomez. Direksyon ni Arman Reyes mula sa script ni Dennis C. Evangelista.
Wala ring maraming familiar names akong narinig sa mga sumali at nanalo sa fun run at mga relay races. Sana, dumating sila sa susunod na dalawang linggo, sa Ultra at Ynares Gym.
Nung 17th birthday niya, nag-beach lang sila ng kanyang pamilya. Di pa siya artista nun.Ngayon kahit malayo siya sa kanila, happy siya dahil nakakapagpadala na siya ng pera sa kanila. Unti-unting nagkakaroon na ng katuparan ang pangarap niyang magkaroon ng bahay at kotse.
"Mayroon na akong P100 thousand sa bangko. Regular kasi ang pagpapadala ko ng pera sa probinsya," sabi niya.