Marami kaming natanggap na reaction at isa na rito ang galing kay Kari Nurmes (Jeddah, Saudi Arabia). Sabi niya, "Tama nga po ang suggestion ng ibang sumulat sa inyo. Dapat lang na di na pabalikin si Mr. Revillame sa MTB dahil talaga namang napakagarapal ang pagiging bastos niya sa show. At kung itrato niya ang mga baguhang kasama niya sa MTB ay parang napakagaling niyang host.
"Kung mambastos siya ng mga kasamahan niyang babae sa show ay parang wala siyang anak na babae. Eh kung yung anak kaya niyang dalaga ang tanungin kung na-injectionan na. O kaya mahilig kaya sa lollipop ang anak niya. Ano kaya ang magiging feeling niya? O baka naman sinasabihan niya rin ng ganun ang anak niya? Yun lang po sana makarating po sa nakakataas ng ABS-CBN. Dahil nagbabayad po kami ng subscription ng TFC para makapanood ng quality show tapos ganun na lang kagarapal kung mambastos ng show si Mr. Revillame."
Siyanga naman, sayang naman ang binabayad nila.