Ayon sa aking kausap, malaking bentahe talaga ang ganda ng istorya, magaling na script at mahusay na direktor para maging blockbuster ang isang pelikula.
Ang Anak at Ang Tanging Ina ay kapwa prodyus ng Star Cinema. Idinagdag pa rin ng aking kausap na mas nahigitan naman ng Anak ang mga pelikula nina Sharon Cuneta o ni Judy Ann Santos.
Ang kabuuang bilang ng mga production outfits na nagsumite ng letters of intent ay 33. Ilan sa mga prodyuser na namataan namin sa pulong ay sina Orly Ilacad ng OctoArts, Dondon Monteverde ng Regal Entertainment, Roselle Monteverde ng MAQ Productions, Gil Portes at Teamwork Productions, Mariz Ricketts ng Rocketts Productions at kinatawan ng ibat ibang mga movie companies.
Ang executives committee ng MMFFP sa taong ito ay pinangungunahan nina MMDA Chairman Bayani Fernando bilang over-all chairman, Mayor Rey Malonzo, Vice over-all chairman at GM Robert Nacienceno.
Ang mga miyembro ng Freshmen Band ay sina Joseph Castro at Roel Aldana (vocalist); Edward dela Cruz (lead guitarist); Jerome Raymundo (bassist); Trician Andres (keyboardist) at Daziel Ledda (drummer).
Ang Freshmen Band ang umawit ng theme song ng Buttercup isang bagong show sa Channel 2 na tinatampukan ni Claudine Barretto.
Samantala, naisyete ng aking kilalang alahera na mahilig itong kumuha ng hulugang alahas. Sa umpisa lang magandang magbayad ang aktres pero hirap na silang maningil sa dakong huli.
Sey pa ng alahera na pudpod na ang paa nila sa paningil pero wala na itong maibigay na pera at puro pangako na lang ang kanilang natatanggap.
Bago nag-artista ay nanggaling sa sikat na afternoon show ang mestisang aktres.