Pinatunayan ng Arriba Arriba na laging may puwang sa ating puso para sa isang wholesome family comedy, dahil nakakuha ito ng 25.6% rating at 30% audience share. Dalawang henerasyon ng komedya ang makikita sa Arriba Arriba kada Sabado- Camille Prats, Heart Evangelista, Johnny Delgado, Sandy Andolong, Edgar Mortiz, John Lapus at ang box-office star ng Ang Tanging Ina, si Aiai delas Alas.
Panalo ang Martes para sa barkadahan nina Aga Muhlach, Bayani Agbayani, Edu Manzano at ang buong cast ng Ok Fine Whatever, nakahuli ng 22.6% rating at 43% audience share. At dahil June nga ang anniversary month ng Ok Fine Whatever, marami pang special guests na pawang aabangan ng mga fans. Kasama na rito ang pamosong cuemaster na si Efren "Bata" Reyes.
Isa ring factor si Aiai sa success ng Whattamen, dahil kasama ng mga co-stars na sina Marvin Agustin, Dominic Ochoa at Vhong Navarro ay nakakuha ang kanilang show ng 22.8% rating at 37% audience share. Panalong-panalo ng ABS-CBN ang Miyerkules nila dahil sa Klasmeyts na nakakuha ng 18.5% rating at 37% audience share. Isang vote of confidence na maituturing ito para sa orihinal cast na sina Heart Evangelista, Bayani Agabayani, Keempee de Leon at Paolo Contis at sa mga bagong castmembers na sina Aiko Melendez, Assunta de Rossi, Tuesday Vargas, Paolo Paraiso, Dustin Reyes at Star Circle Anim-E.
At siyempre, di pahuhuli ang Comedy King na si Dolphy. Ang paborito ng lahat na Home Along Da Riles ay patuloy sa paghataw sa ratings sa ika-11 na taon nito sa ere. Sa ratings ay nakakuha siya at ang bagong cast ng Home Along ng 18.6% rating at 29% audience share.
Isa ring wholesome family comedy ang tumabo sa ratings sa katauhan ng Bida si Mister, Bida si Misis na palabas kada-Lunes. Nakakuha ito ng 18.5% rating at 39% share para sa mga lead stars nitong sina Maricel Soriano at Cesar Montano.