Nakakalula ang presyo ng direktor
June 15, 2003 | 12:00am
Naikwento ng aking source na may isang balikbayan ang gustong magprodyus ng bold na pelikula. Kahit sexy movie ito ay gusto ng produ na gawing maganda ang istorya at multi-awarded ang director.
Nag-suggest si Direk ng seksing aktres na magiging bida gayundin ang leading man nito at iba pang kasamahang artista. Payag naman ang produ kaya gumawa na ng script si direk.
Kaso, nang tanungin ang director kung magkano ang kanyang magiging talent fee ay walang kagatul-gatol itong sumagot ng P1M. Na-shock ang produ at sinabing pag-aaralan nila ito. Ngayon ay nagsusyuting na pala ito ng pelikula at may bagong director na kilala rin sa paggawa ng sexy movie na hindi kamahalan ang TF.
Nang makarating ito sa premyadong director at nagwala ito sa galit at pilit na ipinakukuha ang script.
Sa pagdiriwang ngayon ng Fathers Day ay gusto kong iparamdam kung gaano kahalaga sa amin lalo na sa akin ang aming ama na magseselebrayt ng kaarawan sa Hunyo 17 sa edad na 81.
Bilang panganay sa aming magkakapatid ay masasabi kong papas girl ako. Hindi naman sa pagmamayabang pero namuhay ako sa luho, nakapag-aral sa kolehiyo at kahit abala si Itay sa negosyo nila ng aking ina ay siya pa rin ang naghahatid-sundo sa akin sa iskwelahan. Pitong taon kasi ang tanda ko sa sumunod kong kapatid na lalaki kaya akala nila ay hindi na ako masusundan pa. Naging open ako sa kanya pagdating sa mga manlilgaw at laging sinasabing "Anak, mahalaga sa lalaki ang kagandahan ng loob kahit hindi mayaman bastat kaya kang buhayin."
Alam din niya kapag may problema ako. Nasanay ito sa isang dialogue kaya open ang aming komunikasyon.
Lagi niya akong ikinararangal sa iba at sinasabing mapalad siya sa pagkakaroon ng isang anak na gaya ko na mapagmahal at mapagkalinga sa kanila ni inay. Nang mag-asawa na ako ay naroon pa rin siya sa aking tabi at laging nangangaral kaya siguro hindi kami nagkaroon ng grabeng problema.
Ngayong may edad na siya ay lagi pa rin akong hinahanap lalo na kapag hindi sila nasusundo ng aking ina na naninirahan sa Lucban, Quezon. I make it a point na buwan-buwan ay nasusundo namin sila para lumuwas ng Maynila. Maaga pa ay bihis na ito at biro nga ni Inay "nag-aabang na sa kanyang paboritong anak."
Noong magkasakit ito ay laging itinatanong kung nasaan ako, kung anong oras ako umalis at anong oras darating mula sa trabaho.
Syempre may edad na ito kaya minsan ay makulit. Ingat na ingat kami dahil hinay-hinay lang ito kung maglakad dala ng stroke. Minsan ay tumawid ito (sa tinitirhan naming subdivision) para tingnan ang kanyang van sa tapat ng bahay.
Syempre nainis si Inay at agad tumawag sa akin. Nagkabaligtad nga lang ang pangyayari dahil ako naman ang waring nagsasabon sa kanya pero sa mahinahong paraan. "Wala itong isinasagot kundi oo na, hindi na ako uulit," na parang isang bata.
Sapul sa pagkabata ay hindi ako nakatikim ng palo sa aking ama. Siguro nga dahil papas girl ako pero nagsilbi sila ni inay ng magandang halimbawa para respetuhin ng mga anak. Sa araw na ito ay ikinararangal naming magkaroon ng isang amang gaya ni Ismael.
Maraming pangarap na nais matupad si Dingdong Dantes at isa na rito ang mabigyan ng mabigat na proyekto balang araw at magkamit ng acting award. Pangarap din nitong makasama sa susunod na mga pelikula sina Sharon Cuneta, Nora Aunor, Vilma Santos at Maricel Soriano na pawang multi-awarded actresses.
Puro naman paghanga ang inuukol niya kay Regine Velasquez sa kabila ng tagumpay na tinatamasa ay nakatungtong pa rin sa lupa. Higit sa lahat nakasama rin niya ang magaling na aktor na si Christopher de Leon sa Pangarap Ko Ang Ibigin Ka.
Nag-suggest si Direk ng seksing aktres na magiging bida gayundin ang leading man nito at iba pang kasamahang artista. Payag naman ang produ kaya gumawa na ng script si direk.
Kaso, nang tanungin ang director kung magkano ang kanyang magiging talent fee ay walang kagatul-gatol itong sumagot ng P1M. Na-shock ang produ at sinabing pag-aaralan nila ito. Ngayon ay nagsusyuting na pala ito ng pelikula at may bagong director na kilala rin sa paggawa ng sexy movie na hindi kamahalan ang TF.
Nang makarating ito sa premyadong director at nagwala ito sa galit at pilit na ipinakukuha ang script.
Bilang panganay sa aming magkakapatid ay masasabi kong papas girl ako. Hindi naman sa pagmamayabang pero namuhay ako sa luho, nakapag-aral sa kolehiyo at kahit abala si Itay sa negosyo nila ng aking ina ay siya pa rin ang naghahatid-sundo sa akin sa iskwelahan. Pitong taon kasi ang tanda ko sa sumunod kong kapatid na lalaki kaya akala nila ay hindi na ako masusundan pa. Naging open ako sa kanya pagdating sa mga manlilgaw at laging sinasabing "Anak, mahalaga sa lalaki ang kagandahan ng loob kahit hindi mayaman bastat kaya kang buhayin."
Alam din niya kapag may problema ako. Nasanay ito sa isang dialogue kaya open ang aming komunikasyon.
Lagi niya akong ikinararangal sa iba at sinasabing mapalad siya sa pagkakaroon ng isang anak na gaya ko na mapagmahal at mapagkalinga sa kanila ni inay. Nang mag-asawa na ako ay naroon pa rin siya sa aking tabi at laging nangangaral kaya siguro hindi kami nagkaroon ng grabeng problema.
Ngayong may edad na siya ay lagi pa rin akong hinahanap lalo na kapag hindi sila nasusundo ng aking ina na naninirahan sa Lucban, Quezon. I make it a point na buwan-buwan ay nasusundo namin sila para lumuwas ng Maynila. Maaga pa ay bihis na ito at biro nga ni Inay "nag-aabang na sa kanyang paboritong anak."
Noong magkasakit ito ay laging itinatanong kung nasaan ako, kung anong oras ako umalis at anong oras darating mula sa trabaho.
Syempre may edad na ito kaya minsan ay makulit. Ingat na ingat kami dahil hinay-hinay lang ito kung maglakad dala ng stroke. Minsan ay tumawid ito (sa tinitirhan naming subdivision) para tingnan ang kanyang van sa tapat ng bahay.
Syempre nainis si Inay at agad tumawag sa akin. Nagkabaligtad nga lang ang pangyayari dahil ako naman ang waring nagsasabon sa kanya pero sa mahinahong paraan. "Wala itong isinasagot kundi oo na, hindi na ako uulit," na parang isang bata.
Sapul sa pagkabata ay hindi ako nakatikim ng palo sa aking ama. Siguro nga dahil papas girl ako pero nagsilbi sila ni inay ng magandang halimbawa para respetuhin ng mga anak. Sa araw na ito ay ikinararangal naming magkaroon ng isang amang gaya ni Ismael.
Puro naman paghanga ang inuukol niya kay Regine Velasquez sa kabila ng tagumpay na tinatamasa ay nakatungtong pa rin sa lupa. Higit sa lahat nakasama rin niya ang magaling na aktor na si Christopher de Leon sa Pangarap Ko Ang Ibigin Ka.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended